Pagkababang-pagkababa ng tricycle ay tinakbo ni Ziya ang bahay nila Tor.
Sinalubong naman sya ng inang nagsasarado na ng pinto ng mga Montemayor.
Ganoon kasi ang mag bestfriend na Sandra at Carol. Iniiwan nila ang susi ng kani-kanilang bahay sa isa’t-isa kapag may pupuntahang malayo. Para kung sakaling may kailangan sa bahay ay maipapasuyo nila kaagad.
“Asan na po sila, Mommy?”
Lumingon naman ang nagulat na si Sandra sa humihingal pang anak. “Nakaalis na sila, mga ten minutes ago pa. Nagmamadali nga at baka ma-late sa nakuhang flight nila. Ako na nga itong nag-ayos pa sa loob. Bakit kasi ngayon ka lang dumating?"
Nanlulumong umupo si Ziya sa lupa.
Dinaluhan naman ni Sandra ang anak. “Wag ka naman ganyan, Ziya. Kababae mong tao kung saan ‘san ka sumasalampak. Dali na at tumayo ka na riyan.” Pinilit pa ni Sandrang tumayo si Ziya.
“Ma, h-hindi pa rin kasi kami nag-uusap ni Tor,” malungkot na wika nito.
“Ayyy, iyon lang pala. Hayaan mo na, Ziya. Uuwi rin sila kaagad kapag naiayos na yung tungkol kay Ed at sa grocery store nila roon.” Pinagpagan pa nya ang suot na pants ng anak. “Besides, you can call, text or video call each other anytime you want, right?”
Sa nabanggit ni Sandra ay nagka-ideya naman si Ziya. Tatawagan na lang nya si Tor mamya. Baka sakaling hindi na iyon unattended mamya. Oo, baka nga na-busy lang s’ya dahil kay Tito Ed. Sige, bibigyan ko sya ng time.
May ngiti na sa mga labing sumabay si Ziya sa paglalakad ni Sandra.
*****
Pagdating sa Amerika nila Sandra ay mabilisang naiayos ang tungkol sa libing ni Ed. Mga tatlong araw lang ito ibinurol at dahil wala namang hinihintay na mga kamag-anakan ay inilibing na nila ito. Pagkauwi sa bahay nila sa Amerika ay hindi na napigilan ni Tor na magtanong kay Carol. Siguro naman ay lifted na ang kanyang punishment. Ilang araw na rin naman ang nakalipas.
“Nay?”bigkas nya upang kunin ang atensyon ng ina.
“Yes, Tor?” sagot naman ni Carol na bagamat nakangiti ay hindi iyon umaabot pa sa mata nito. Alam nyang masakit pa rin sa ina ang pagkawala ng nag-iisa nitong kapatid.
“N-Nay, baka naman po pwede ko na makuha ang cellphone ko.”
Sandaling nag-isip si Carol sa sinasabi ni Tor. Nakalimutan na nya na bilang parusa ay kinuha nya ang cellphone ng anak. Napatapik ito sa noo. “I-I’m sorry, Tor. Sadyang nakalimutan ng nanay mo. Naiwan ko iyon sa Pilipinas."
Bagsak balikat naman si Tor sa nalaman. “Ganun po ba? Okay lang po iyon, ‘Nay. Uuwi na rin naman tayo agad ‘di ba?”
Tuluyan nang bumakas sa mata ni Sandra ang kalungkutan at awa kay Tor. Hindi pa nga pala nya nasasabi sa anak ang pagbabago sa desisyon nya.
Pinaupo muna ni Carol si Tor at kinausap ng mabuti. “Tor, iho, you need to know something. Malalaman mo rin naman in the next few days.” Huminto saglit si Carol para bumuntong-hininga. “Dahil sa atin inihabilin ni Tito Ed mo ang grocery store ay kailangan na natin iyon bantayan. Kailangan ko na iyong hawakan kahit wala akong alam pa sa negosyo. You know, may mga bagay talaga na dahil wala tayong kontrol, kailangan natin maging matapang na harapin iyon. We need to be responsible for our own life. At sa pagkakataon na ito, ako naman iho ang kailangan maging matatag. Dahil nakasalalay sa negosyong ito ang ikabubuhay natin maging ng mga taong nagtatrabaho rito. Your Tito Ed dedicated his whole life there. Ayaw mo naman sigurong masayang ang hirap at tiyaga ng tito mo?”
Naramdaman ni Tor ang bigat na dinadala ng ina at ang naging puno’t dulo ng desisyon nito. Kahit masakit sa kanya dahil baka matagalan pa bago muling makita si Ziya ay kailangan nya pumayag. Kailangan sya ni Carol sa tabi nito ngayon.
“”Opo ‘Nay, naiintindihan ko po.” Tumango pa sya.
“Then, we are good now?” may kasama pang tipid na ngiti iyon si Carol.
“Yes na yes, ‘Nay.”Huminto sya saglit. “Uhm, Nay, baka naman pwede mo akong ibili ng bagong phone agad?”
“Hmm.. Alam ko naman kung sino ang kailangan mo kausapin kaya gusto mo agad ng bagong phone. O ito, tawagan mo na si Ziya.” Ipinahiram na ni Carol ang kanyang telepono kay Tor.
Tinawagan nya si Ziya ngunit unattended na ang phone nito.
Tinry nya buksan ang kanyang messenger na nag-iisa nyang account online ngunit dahil sa katagalan ay nakalimutan na nya ang password niyon. Maging ng kanyang email account. Gumawa sya ng bago at sinearch si Ziya, ngunit hindi nya na mahanap ang dalaga.
*****
Mahigit limampung mensahe na ata ang naiwan ni Ziya kay Tor both in his messenger and cellphone. Ang kanyang tawag din dito ay hindi na nya mabilang. Sa inis at galit sa pambabalewala ng lalaki ay napagdesisyunan nyang sirain na lang ang kanyang sim card. Hinide na rin nya ang kanyang sss account kaya hindi sya agad-agad mase-search nito.
“Hanggat hindi ka nagpapakita sa’kin, Tor. Mananatili ang inis ko sa’yo. Hmp!” panunumpa ng batang si Ziya.
*****
Dahil sa kawalan ng komunikasyon ay hindi na rin muna gumawa si Tor ng paraan, sa pag-aakalang makakapag-bakasyon sya sa Pilipinas.
Naisipan nya minsan maggala mag-isa. Total naman ay hindi pa nag-start ang klase roon ay hinayaan nya ang sarili na magliwaliw muna. Patawid na sya sa isang pedestrian lane nang mapansin nya ang pamilyar na tao na nasa kabilang daan, naglalakad sa opposite side.
“Tita Claire!!! Tita Claire!!” tawag nya rito ngunit hindi ata nito naririnig. Hindi na sya nakapaghintay at dahil wala naman masyadong dumadaang sasakyan ay naisipan na nyang tumawid kahit wala pang go signal ang traffic light.
Iyon ang naging pagkakamali ni Tor. Dahil sa ginawa nya ay ‘di sinasadyang nabangga sya ng paparating na sasakyan. Tumilapon sya sa daan.
Buti na lang at dahil sa komosyon ay napalingon si Claire sa aksidenteng naganap. Nakita nya tuloy ang duguang katawan ni Tor nang nilapitan nya ang kinabagsakan nito mismo. Sa gulat at pag-aalala sa bata ay nakatawag sya agad ng tulong. Sumama sya sa nagdala rito sa hospital.
Pagkarating roon ay inasikaso na agad si Tor na nagkaroon ng malaking tama sa ulo. Mayamaya ay humahangos nang dumating si Carol at dumiretso na sa operating room kung saan naghihintay si Claire. Nagyakapan ang dalawa.
Walang katanungang namagitan sa dalawang matandang babae, ngunit pareho lang sila nang nararamdaman ngayon.
Ang pighati ng isang ina na maaaring mawalan ng anak anumang oras.
Hindi man anak ni Claire si Tor ay isa sya sa nagpalaki rito. Malaking bahagi ito ng kanyang p********e, bilang isang ina-inahang umaruga kay Tor.
At si Carol naman na wala nang magulang, asawa, kapatid ay maaari pang mawalan ng kaisa-isang taong bumubuo sa kanyang pagkatao, ang kanyang unico hijo.
Mahigpit na mahigpit ang yakapan ng dalawang ina.
“Ang Tor ko.. pakiusap po, tulungan nyo ang Tor ko..” bigkas ni Carol sa kawalan.