Chapter 14. Sixth Loop

2717 Words
Benj Pov. * BANG* " s**t sino ka?" Sigaw ni Jessie hindi pala ako ang target niya. May narinig akong kalabog sa isang pinto sa likuran ko " Dito ka muna" Naglakad siya papunta sa pinto hindi ko siya nakikita pero narinig ko ang pagbukas ng pinto. Sunod sunod na putok ng mga baril ang bumulabog sa akin. Habang wala siya kinuha ko ang pagkakataon para subukan na kumawala sa pagkakatatali sa akin. " Arrggh" Hindi ako makawala dahil sa higpit ng pagkakatali nasugatan narin ang mga kamay ko. " Tulong may nakakarinig ba sa akin" sigaw ko " Please tulungan niyo ako" Mukhang wala talagang ibang tao dito, habang tumatagal mas lalong lumalayo ang mga putok ng baril na naririnig ko. " Sino yan?" Sigaw ko ng makarinig ng mga yabag sa labas Bumukas ang pinto ng kwarto hindi ko makita ang mukha ng taong naglalakad papalapit sa akin. " Benj" " Blue" Nakahinga ako ng maluwag ng makita siya may kinuha siyang isang kutsilyo sa bulsa niya at ginawang pamutol sa tali na nakagapos sa akin. " Halika kana bago pa siya bumalik" Hinila niya ako palabas ng kwarto habang naglalakad kami palabas patuloy parin ang barilan. " Sino ang nakikipagbarilan kay Jessie?" Tanong ko " Si Detective Wan" tugon niya Nang makalabas kami pinapasok niya ako sa sasakyan " Umalis kana kailangan kong balikan si Detective Wan" " Paano kayo?" " Sino sa tingin mo ang kausap mo" confident niyang saad " Maraming salamat Mr. Top Detective" sabi ko bago pinaandar ang engine ng sasakyan. Bago paman ako makalayo isang sasakyan ang nakakuha ng aking attensiyon. Nasa kabilang side yun ng daan hininto ko muna ang sasakyan at nagmasid sa buong paligid. Dalawang lalaki ang nakatayo sa di kalayuan mukhang may pinag uusapan silang dalawa. " Sandali Dad" bulong ko ng makilala ang suot niyang damit Ang mas ikinagulat ko ng makita si Gray na kasama niya " Ano kaya ang ginagawa nila dito?" Tanong ko sa sarili ilang sandali pa umalis na si Gray si Daddy naman bumalik sa kotse niya. Dinampot ko ang phone para tawagan siya " Hello Son may kailangan ka?" Tanong niya sa kabilang linya mabuti nalang sinagot niya ang tawag. " Dad na saan ka ngayon?" " Nasa police station" tugon niya " I see pasensiya na sa abala" saad ko " I will be more happy kapag ipinagpatuloy mo ang pag aaral mo" inasahan ko na yun ang sasabihin niya. " Ofcouse this year plano kung bumalik sa pag aaral" " Verygood if you have sometime bumisita ka sa bahay" " Ofcouse Dad bye for now" He is lying to me bakit kaya? Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at kinuhanan ng picture ang sasakyan niya bago tuluyang umalis sa lugar. Pagdating ko ng condo may nakita akong sulat na nakasukbit sa pintuan. Benj mawawala muna ako ng ilang linggo may mahalaga lang akong asikasuhin sa Amerika ---- from Kathlyn. Fast forward " Ayos ka lang ba?" Tanong ni Blue sa akin nandito kami ngayon sa isang restaurant. " Alam mo minsan natatakot akong mag isa sa condo baka bumalik ulit siya. Akala ko sayo galing ang text message na natanggap ko hindi pala" " Bakit hindi ka muna bumalik sa inyo baka doon mo nakita ang matagal mo ng hinahanap" makahulugan niyang sabi " Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo kong tanong " Lahat tayo gusto ng katahimikan at kapayapaan kung uuwi ka sa bahay niyo may makakasama ka at mapapanatag ng kunti ang kalooban mo" paliwanag niya " Siguro tama ka nakausap ko narin si Daddy this time pagbibigyan ko siya sa gusto niya" " Let me guess gusto niya na bumalik ka sa pag aaral?" " Tama ka" "Mukhang napaka swerte mo kilala ang Daddy mo bilang isang marangal na leader ng kapulisan. He must a good Father too" Biglang pumasok sa isip ko ang usapan namin. Nagtataka parin ako kung bakit siya nagsinungaling sa akin. " Benj" " I'm sorry pero minsan naisip ko na may kakaiba sa kanya" " Paano mo nasabing may kakabiba sa kanya?" Bigla nalang sumeryoso ang mukha niya. " Nakita ko siya na nasa lugar malapit kung saan ako dinala ni Jessie at ang mas nakakagulat kasama niya si Gray" He chuckled bago nagpakawala ng isang makahulugang ngiti. " This is getting more interesting" sambit niya " Huh?" " Wala umuwi ka muna sa bahay niyo yun ang pinakamagandang gawin mo sa ngayon" Pakiramdam ko mayroon siyang tinatago sa akin " Siya nga pala ano ang ibibigay mo sa akin?" " Pasensiya na muntik ko ng makalimutan ito ang mga nakalap kong information tungkol kay Jessie Alfonso" saad niya bago nilagay sa harap ko ang isang brown envelop. Agad ko yung binuksan at tiningnan ang nasa loob " Fake Identity?" " Yes tama ka walang Jessie Alfonso na nag eexit sa mundo" Napahawak ako sa sintido ko bago binaba ang hawak kong mga papel. " Paano natin siya mahahanap?" " Ako na ang bahala sa ganyang bagay ang gagawin mo lang ay bumalik sa bahay niyo gaya ng sinabi ko baka doon mo makita ang matagal mo ng hinahanap" saad niya saka tumayo. " Aalis na ako bibigyan kita ng update kapag may balita na ako sa kanya" " Sabay na tayo umalis" Habang naglakad kami palabas nakita kong tumitingin siya sa buong paligid. " Hangang dito ba naman?" Bulong niya pero rinig na rinig ko. " Mag problema ba?" " Dumeretso kalang sa sasakyan mo at bumalik ka agad sa bahay niyo" Ginawa ko naman ang sinabi niya pakiramdam ko may panganib na nakaabang sa amin. " Benj" sigaw ni Mommy ng nakita akong naglalakad papasok ng mansion. " I'm so happy na bumalik kana dito" umiiyak niyang saad " Mom dito muna ako nag usap narin kami ni Daddy" " Masaya ako halika may gusto kabang kainin?" Masigla niyang tanong habang naglalakad kami sa loob. " Mom aakyat muna ako sa taas gusto kong magpahinga" " Tatawagin nalang kita sa paghahanda ng pagkain" Tumango lang ako, tumigil ako sa paglalakad ng marinig siyang napapakanta. Ngayon ko lang siya ulit nakitang ganyan kasaya nagpatuloy ako sa pag akyat hangang sa nakarating ako sa kwarto ko. Pagpasok ko sa loob agad kong binagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Dalawang taon na din bago ako nakabalik dito. Pinikit ko ang aking mga mata ng makaramdam ng antok. "N-I-C-K" " Benj gising" "Mom" " Anong nangyari bakit ka sumisigaw?" " Sobrang sama lang ng panaginip ko" " Come here" niyakap niya ako ng mahigpit sobrang bilis ng t***k ng puso ko para talagang totoo at hindi lang isang panaginip. " Halika na nakahanda na ang pagkain" " You can go ahead Mom susunod nalang ako" Napanaginipan ko siguro yun dahil friday na ulit bukas. Tommorrow will be the sixth loop iniisip ko palang ang mangyayari kinakabahan na ako. " Kuya are you here?" Sigaw ni Venice mula sa labas ng makapasok siya sa loob agad niya akong hinatak palabas ng kwarto. "Mom and Dad is waiting sabay sabay tayong kakain ng dinner" " Dahan dahan baka madapa ka" saway ko " Son hindi mo alam kung gaano ko ako napasaya" nakangiti bungad sa akin ni Daddy. "Let's eat together" saad ni Mommy Habang kumakain kami naramdaman ko na parang bumabalik sa dati ang lahat. Masigla at masaya kaming kumakain habang nag uusap. Hindi ko sinasabing ayaw ko ng ganito pero iba na talaga ang mood ngayon kumpara dati. " Benj anong nangyari sa kamay mo?" Tanong ni Mommy bago hinawakan ang kamay ko. " Kuya may nangyari bang masama sayo?" " Nakidnap lang ako ng isang kriminal kagabi" pabiro kong tugon. Biglang naibuga ni Daddy ang pagkain niya matapos kong sabihin yun. " Huwag kang magbiro ng ganyan" " I'm sorry busog na ako excuse me" saad ko bago tumayo Iniwan ko sila at bumalik sa kwarto ko. Kinabukasan [ Friday] " Mom anong ginagawa niyo?" Tanong ko ng makita siyang abala sa pag impake. " Kuya pupunta tayo sa resort" masiglang tugon ni Venice " Sandali ngayon?" " Oo mas maganda kapag nagcelebrate kayo ni Nick ng anniversary kasama kami" " Tama ang Mommy mo saka umuwi na din si Jonas kahapon" singgit ni Daddy habang suot ang kanyang beach attire. " Umuwi si Tito" gulat kong sabi " What's wrong with you dapat maging masaya ka" " Mom nagulat lang ako" " Ano pa ang hinihintay mo diyan mag impake kana rin" " Sandali ilang araw ba tayo doon?" " Dalawang araw" tugon ni Mommy " Mom bakit ang dami mong dalang damit?" " Para mas maganda at sexy ako sa paningin ng Daddy niyo" banat ni Mommy. " Hon kahit anong suot mong damit ikaw ang pinaka sexy at pinakamagandang babae sa balat ng lupa" Nagyakapan silang dalawa sa harap namin ni Venice kaya nakasimangot ang nakakabata kong katapid. " Makaalis na nga" saad niya bago naglakad palabas " Sweetheart kumpleto na ba lahat ng gamit mo?" " Yes Mom sa sasakyan nalang ako maghihintay " tugon niya habang naglalakad paalis. " Benj mag imapake kana rin maya maya aalis na tayo" " Yes Mom" Tumakbo ako pabalik ng kwarto ko at kumuha ng kunting damit pagkatapos bumalik agad ako sa baba. " Are you done?" " Yes Mom" " Then let's go" Dalawang oras bago marating ang resort na pagmamay ari ng mga magulang ni Nick. " Dad hindi ka yata abala ngayon" sabi ko habang nakaupo sa backseat ng sasakyan. "Oo nga Dad palagi kang busy sa work mo pero ngayon masaya akong kasama ka namin" pag sang ayon ni Venice " Kaya nga bumabawi ako sa inyo ngayong araw magpapakasaya tayo" Napangiti ako ng malaman na naiisip niya rin pala kami. Siya ang tipo ng taong hindi uuwi ng bahay hanggat hindi naaayos ang mga problema sa trabaho. Mabilis naman namin narating ang resort dahil walang traffic sa daan. Sinalubong kami ni Tita at Tito pagbaba namin ng sasakyan. " Daddy, Mommy" sigaw ni Venice tumatakbo siya palapit kina Tita at Tito. Simula na maging kami ni Nick Dad and Mom na and tawag niya sa kanila. " Masaya kaming nakarating kayo" saad ni Tito Jonas " Hi po Tita, Tito" bati ko sa kanilang dalawa " Oh habang tumatagal mas lalong gumagwapo tong si Benj" puri ni Tito sa akin. " Naman dahil sa akin siya nagmana" singgit ni Daddy Nagtawanan silang apat napailing iling lang ako habang nakikinig sa kanila. " Mom where's kuya Nick?" Tanong ni Venice Nagtinginan sila Tito at Tita na parang mayroon silang tinatago. " Gutom na ba kayo pumasok na tayo sa loob" Naglakad sila papasok ng hotel sumunod naman ako sa kanila. Sinubukan kong hanapin si Nick pero hindi ko siya makita. Matapos kong makuha ang susi ng hotel room dinala ko ang mga gamit ko sa room 310. " Kuya" " Venice pwede bang huwag kang sumigaw" " Si kuya Nick" " Anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong " Puntahan mo siya sa rooftop ng hotel" Mabilis akong tumakbo sa taas, malayo pa ang alas sais ng gabi pero malaki ang posibilidad na may nangyaring masama sa kanya sa ganitong oras. " Nick" tawag ko ng makarating ako sa rooftop Nakita ko siyang may hawak na bulaklak at nakangiti habang nakatingin sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya. Lumapit siya sa akin ng dahan dahan habang nakangiti. " Happy 6th anniversary Benj I love you" saad niya sabay bigay ng bulaklak. " Happy 6th anniversary and I love you too" I hug him so tight pero bigla siyang bumitaw at lumuhod sa harap ko. " Benj alam kong hindi akong perpektong tao but you made me perfectly imperfect. I can't promise you the whole world but I can assure that you are my world. I want to be with you today, tomorrow and to the my last breath. Benj Montefalcon will you marry me?" Tanong niya habang hawak ang isang singing. Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla " Benj will you marry me?" " Nagbibiro kaba?" " Sa tingin mo gagawin ko tong biro" " I'm going to ask you again Mr. Montefalcon handa kabang samahan ako habang buhay?" " Yes I Do" sagot ko habang umiiyak dahil sa tuwa Isinuot niya ang singsing sa kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. Nag poprocess parin sa utak ko ang mga nangyari. This is for real hindi lang to anniversary gift pero isang engagement ring. " Anong nangyayari dito?" Dumating si Mommy, Daddy, Tito at Tita "Nahuli na kayo inalok ni Kuya Nick si Kuya ng isang kasal" tuwang tuwang saad ni Venice. " Huh?" Reaksyon nilang lahat " Benj let's go may ipapakita ako sayo" saad ni Nick bago ako hinila paalis. 4:30 pm " Do you like my surprise?" " Ofcourse sobrang nagulat ako sa ginawa mo" " Then bakit ganyan ang mukha mo?" " Nakita mo ba ang mga reaksyon nila baka sila pumayag na makasal tayo" " Hindi pa naman sa ngayon bigyan mo ako ng isang taon ako na ang bahala mag ayos ng lahat" tumawa ako matapos marinig yun. " Goodluck" " Ahem...pasensiya na kung nakakaabala ako pero pinatawag kayo ni Daddy at Mommy" Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya " Don't worry everything will be fine" Nang makalapit kami sa kanila kitang Kita ko ang mga tensiyon sa mukha nila. " Umupo kayong dalawa" mahinahong sabi ni Daddy Umupo kami sa harap nila at naghintay sa kanilang sasabihin. " Alam niyo ba na hindi biro ang tinatawag na kasal?" " Yes Sir alam namin yun" tugon ni Nick " Are you guys serious about this?" Tanong ni Mommy " Yes I am serious mahal ko po ang anak niyo" " Ako rin Mom" " Tumututol ako" " Dad but-------------- " Benj sumama ka muna sa kanila kakausapin ko lang si Nick" Umalis kami at pumasok sa loob habang si Nick at Dad nasa labas kasama si Tito Jonas.. " 5:00 pm " Kuya pwede bang tumigil ka nahihilo ako sayo" reklamo ni Venice. Hindi ako mapakali baka kung ano na ang sinabi ni Daddy sa kanya. " Venice huwag mong sasabihin kina Mommy na sinilip ko sila Daddy sa labas" "Okay umalis kana habang nasa hotel room pa silang dalawa" Mabilis akong tumakbo palabas at dahan dahan na lumapit kung saan sila nag uusap. " Nick nakalimutan mo na ba ang kasunduan natin?" Sigaw ni Daddy. " Sir hindi ko nakakalimutan yun dahil sa inyo hindi tuluyang bumagsak ang negosyo ni Daddy" " Mabuti naman bilang kapalit kailangan------- " Kailangan kong maging boyfriend ni Benj dahil may gusto siya sa akin" " Tama ka pero hindi dapat aabot sa ganito this day kailangang makipaghiwalay kana sa kanya. 6 years is enough para mabayaran ang utang ng Daddy mo" " Alam ko Sir pero------------ " I don't care naging boyfriend kalang niya dahil may gusto sayo ang anak ko. I want him to be happy pero ngayon ibang usapan ang pagpapakasal" " I can't b--------- " Do it bumalik kana kay Irish ang babaeng tunay mong minahal" Lumabas ako sa pinagtataguan ko at humarap sa kanila. " Benj" gulat na gulat si Nick ng makita niya ako " Totoo ba lahat ng narinig ko?" I am crying habang tinatanong yun natahimik siya bigla " Silence means yes, fvck minahal mo ba talaga ako Nick?" " Ofcouse I love more than anything" " Talaga simula ng maging tayo?" Hindi siya nakasagot " I see akala ko hindi ka katulad ng iba na kayang bilhin ng pera pero nagkamali pala ako" Tumakbo ako paalis habang patuloy na umiiyak " Benj sandali hintayin ako" Umalis ako sa resort gamit ang sasakyan ni Daddy " Arrggh" sigaw ko dahil sa galit Ang anim na taon naming relasiyon ay hindi ko akalain na isa palang kasinungalingan. Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo hangang sa nawalan ako ng control sa manibela. Bumangga ang sasakyan ko sa isang kotse pagdating sa intersection. 6:20 pm Hindi ko naramdaman ang sakit na natamo ng katawan ko sa pagkabangga mas masakit ang sugat sa puso ko dahil sa katotohanan na nalaman ko. Patuloy sa pagpatak ang luha sa mga mata hangang sa mawalan ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD