Pagkasabi na pagkasabi ng announcer sa Water Empire ay nagsimula na kaming tatlo maglakad palabas. Sumalubong sa amin ang di mabilang na mga tao. Kitang-kita ko kung gaano kapuno ang harap at labas ng Citadel. Hindi ko mapigilan ang sarili na huwag mapangiti sa nakita dahil halos lahat ng tao ngayon ay nagsasaya at humihiyaw dahil sa paglabas namin. Unang nagpakilala si Selene. "I am Selene Carn, representing the House of Cancer." Pagkatapos ng ginawa niyang pagpapakilala ay doon niya ipinakita ang kaniya niyang gawin. She showed her hydro-telekinesis skill to everyone, because of that she gained massive shouts and claps from everyone who was watching us. Ang sumunod naman na nagpagkilala ay si Marius. "I am Marius Scoir, representing the House of Scorpio." Kaagad naman niyang ipinakit

