"Are you afraid of water?" Tanong ko rito sa kaniya habang pinagmamasdan siya. His body is stiffed and he looked really concerned by what we're doing. Sinabihan ko naman siya na magiging maayos ang lahat at hinding-hindi kami mahuhlog sa tubig dahil kontrolado ko naman ang pinapatungan namin. Siguro ay hindi lang talaga siya na expose sa ganitong klaseng lugar dahil nga malayo ang tirahan nila sa mga tubig. "No, I'm not." Pagpapaliwanag niya. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita para hindi na madagdagan pa ang iniisip niya. Pinalaki ko nalang ang tinutungtutungan namin para magawa naming dalawa na maupo at maging komportable sa pangingisda. "You can sit now, by the way," I suggested. Umupo na rin ako at sinimulan ang pag-aayos ng fishing pole na kanina lang namin sinimulang gawi

