Nova Sarius Agad kong isinarado ang pinto ng kwarto para hindi na makapasok at makasunod pa sa akin Fera. Ang kulit-kulit niya. Hindi ba niya maintindihan na hindi na nga niya mababago ang isip ko? Desidido na ako sa gagawin ko. Nasimula ko na, kailangan ko na siyang tapusin. Nang marinig kong magbukas ang pinto ay awtomatikong lumabas ang apoy sa kamay ko para ambahan ang pumasok. Nagawa naman itong iwasan ni Fera gamit din ang kapangyarihan niya. Napatingin siya sa akin nang may poot sa mga mata . She doesn't really care about me, she only cares for her reputation that's why she's acting like this. This annoying person who always meddle with other people's personal decision. "Fera, umalis ka na sinasabi ko sayo. Kung ayaw mong sumama sa akin, fine. I won't force you to do something

