"Anong kaharian ito?" Tanong ko habang nakatingin sa ibaba kung saan ang mga nilalang ay nag-e-ensayo. "Kingdom Xenia." Tugon ni Ellios. "Who's the ruler?" "King Claurio." Sagot naman ni Sab. "Sino siya?" Tanong ko ulit habang nakatingin sa babaeng may maaliwalas na ngiti. "Siya ang anak ni Haring Claurio. Si Prinsesa Rowena." Si Miro naman ang sumagot saakin. "Siya 'yong nais ipakasal ni Haring Deven kay ama dati." Sambit ko nang maalala ang sinabi ni lola. Pagkatapos naming malibot ang buong kaharian ng Xenia at Voreen ay lumipat kami sa Bravilya na pinamumunuan ni Haring Steven, ayon sa tatlo. Sa paglilibot namin ay napapansin kong maraming puno at iba't ibang klase ng halaman ang naririto sa Emperyo. Ang akala ko lang dati ay sa Ceba lang ang maraming halaman at mga ginto pati

