~~~~~~~~Chapter 10~~~~~~~~
Maagang gumising si Yuri di na niya inistorbo pa ang mga ka board meat niya..
Dahan dahan siyang pumunta sa banyo upang maligo..pagkatapos maligo ay nagbihis na siya at dumiritso sa baba upang baybayin ang daan patungo sa kanyang nakaparadang sasakyan.
Matapos paandarin ay binaybay niya ang daan patungo sa kanilang paaralan kahit malapit lang ito kaya ang resulta pagdating niya lahat ng mga studyante ay nakatingin sa kaniya...
Di nalang niya ito pinansin at dumiritso na sa kanilang classroom.
Pagdating niya wala pang masyadong tao, kunti palang ang nadatnan niya kaya pumunta muna siya sa Rooftop ng kanilang paaralan upang magpahangin,, nagdaan ang mga oras di niya ito namalayan sapagkat nak idlip siya, nagising na lamang siya ng may umaalog sa kanya kaya iminulat niya ang kanyang mata at laking gulat niya nang malamang si Kyle ito..
Agad siyang tumayo at tinanong kung anong ginagawa nito..
Syempre ginising ka. Napasarap nga ata ang tulog mo ehh mahal na princessa!!
Patuksong sambit ni Kyle..
Ehh bakit ka nandito?? Tanong naman ni Yuri
Magpahangin lang sana ako kaso nakakita ako ng isang princessang naglalaway habang natutulog?
Tukso ulit nito
Kaya sa sobrang inis ni Yuri ay iniwan niya ito at pabalibag na umalis sa Rooftop..
Bwisit talagang Mokung na yon... ang aga aga nambabadtrip...
Bakit ba ang malas ko? Iniiwasan ko na nga lumalapit naman...
Ayy bahala siya sa buhay niya..nakakabadtrip naman..
Nagpatuloy siya sa kaniyang pag lalakad papunta sa classroom nila..
Ngunit laking gulat niya ng wala siyang nadatnang studyante..
Nasaan mga tao sa mundo??
Ano bang meron at di man lang ako inupdate??
Hayyssss maka uwi na nga lang... buwist na buhay to ohh.. bakit ba kasi naisip ni Dad na ilipat ako dito...
Wala naman akung natutunan dito kundi sira palagi ang araw ko..
Makapag swimming na nga lang...
Kaya pinuntahan niya ang kaniyang sasakyan at umalis sa campus, binaybay ang daan patungo sa pinakamalapit na resort..
Nang maka rating sa resort kumuha kaagad siya ng kwarto, nagpalit ng swimsuit at binabad ang sarili sa swimming pool.
Nang mahimasmasan, humiga muna siya at umidlip sandali..
Makaraan ang ilang minuto nagising na lamang siya sa tunog ng camera..
Pagmulat niya Si Kyle na naman ang bumungad sa kanya..
Ikaw na naman? Ano ba kita stalker??
Iniistalk mo ba ako??? Pasigaw niyang tanong
Hoyy wag kang feelingera, Resort ng pamilya ng kaibigan ko to at may party kami kaya ako nandito at habang nag lilibot Ako habang kumukuha ng litrato nahagip ka nag camera ko kasalanan ko ba na makita kita??? Taray na sambit nito...
Napatawa nalang si Yuri sa inasal at pananalita nito...
Bakla ka ba?? Daig mo pang bakla ehh ..anong feelingera ka dyan??
Ano naman kung resort to ng Kaibigan mo ehh nagbabayad naman ako dito kaya pwede cho cho cho kana..Alis... Sambit niya dito
At ako pa sabihan mo nang bakla?
Halikan kaya kita dyan.. nang sa ganon tumahimik ka..
Bakit ba ang taray taray mo may alaga ka bang tigre dyan sa katawan mo? Daig mo pang tigre ehh kulang nalang sungaban mo ako sa inis mo... Sambit naman ni Kyle...
Che... basta umalis ka na nga... di kita kailangan dito kaya go na... Pa cute na sabi ni Yuri
Pano kung ayaw ko may magagawa ka ba?? Nang aakit na sambit naman ni Kyle.
Ano ba kasi kailangan mo? Pwede ba tantanan mo ako. Samo ni Yuri
Ayoko, babantayan Kita Mahal na prinssesa.. Sambit namn ni Kyle
Bahala ka nga..
At tuloyan niya na itong d kinausap at bumalik sa pagkaidlip..
Nakaraan ang ilang oras. Nagising si Yuri na nasa di kilalang silid..
Nasaan ako tanong niya sa kaniyang sarili.. at biglang tingnanan ang sarili.
Naka swimsuit parin siya ngunit ang naiba lang ay nakasuot na siya ng jacket at sa tantya niya ay pang lalaki ito.
Habang minamasdan at kinilala ang silid biglang bumukas ang pinto at iniluwal ang naka tapis na lalaki na kalalabas lang ng Cr at walang iba kundi Si Kyle..
Ahhhhhh sigaw ni Yuri ng makita si Kyle na naka taples lang... at tinakpan ang kaniyang mga mata.
Hoyyyyy ano ba... wag kang maingay baka kung ano pa isipin ng mga kaibigan ko... sabi ni Kyle.
Ehh bat ka hubot h***d mag damit ka nga... sabat ni Yuri
Kaya agad na pumunta si Kyle sa cabinet para kumuha ng damit at bumalik sa Cr para para magbihis.
Pagbalik niya naka damit na si Yuri ng mahabang damit na walang iba kundi ang damit niya..
Ohh anong tinitingin tingin mo diyan?? Tanong ni Yuri dito..
Ehh bakit mo sinuot yan?? Akin yan ehhh.sabi namn ni Kyle
Ehh no choice ako saan mo ba kasi ako dinala?? Tanong niya
Nasa hideout kita..Nandito tayo bahay namin. Wag kang mag alala walang nangyaring masama..sagot nito
Ehh bakit mo ako dinala dito?tanong uli niya
Kasi po mahal na prinssesa alangan naman na iwan kita sa Resort na natutulog doon sa bench habang pinag pipyestahan yang katawan mo ng mga m******s na lalaki. Pasalamat ka nga dinala kita dito ehh kundi baka ano nang nangyari sayo ehh tulog mantika ka pa naman. Sambit nito
Ehh sinong nagsabi sayong dalhin ko ako dito,,ano naman paki mo? Inis na sagot niya
Kita mo to siya na nga tong tinutulungan nagagalit pa..bahala ka nga diyan anacondang tigre..Sambit nito sabay alis...
Anong sabi mo??Chee....Mokong na manyakis... sigaw niya dito.
Hayyy pasalamat ka kyut ka... ok thank you for saving me kung totoo man yon..Sambit niya sa kanyang isipan.
Pano to ngayon? Paano ako uuwi nito ni di ko nga alam kung nasaan yong Kaye ko...
Hyyyysss kainis naman kasi yong Mokong na yonnn..
Mapuntahan nga..nasaan na kaya yon..
Kyle where are you?? Tawag niya dito
Nakalabas na siya sa munting kubo ngunit walang Kyle ang kaniyang nakita..
Kaya naglakad lakad pa siya hanggang makarating siya sa isang malapalasyong mansion..
At bumungad sa kaniya ang babaeng medyo may katandaan na..
Tinanong niya ito.
Excuse me po Maam nasaan po si Kyle??
Ahh ikaw ba si Yuri iha???tanong nito sa kaniya..
Ahh opo bakit po??tanong niya uli
Ahh may pinuntahan lang sandali si sir.mabuti pa kumain ka muna iha di ka pa daw kumakain ka ehh..halika ka...
Kaya wala siyang nagawa kundi sumama dito..
Ngunit dinala siya nito sa isang napakalaking silid..
Ahh iha magbihis ka muna may mga damit si Madam dyan na di pa nya sinusuot.. bumaba ka nalang kapag naka bihis ka na.
At tuloyan na siyang iniwan ito.
Malaki ang silid at maraming magagandang damit ang naka hilera sa cabinet kaya di siya kaagad naka pili.
Siguro model o fashion designers ang may ari nito pero sino may kapatid kaya si Kyle? Tanong niya sa kaniyang isip.
Pagkatapos ay bumaba na siya.pagbaba niya naka hain na ang mga pagkain..
Mag isa lang siyang kumain kaya inaanyayahan niya ang mga katulong sa bahay na yon upang may kasabay siya sa pag kain.
Nagkakatuwan sila at masayang masaya..
Sa oras na iyon naramdaman ni Yuri ang pakiramdam na may pamilya. At sabi niya sa kaniyang sarili ngayon lang siya naka ramdam ng ganoon ka saya..
Habang masayang masaya siya may mga mata namang kumikislap sapagkat ngayon lang niya Ito nakitang nakangiti at sobrang ganda ito na para bang isang tunay na prinssesa. Ngunit Anacondang tigre naman ito kapag naka simangot.
-----------A/N-----------------------
put some feedback thank you and thank you also for your support dear❤