NANG imulat ni Sydney ang mga mata nang umagang iyon ay napangiti siya nang bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Rayven na payapa pa ring natutulog. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito bago niya ito hinalikan sa noo. ‘I wish we’ll stay like this forever,’ sa isip-isip niya. Habang nakatitig siya rito nang mga oras na iyon ay hindi niya maiwasan ang sariling humiling. ‘I hope tapos na ang unos. Sana wala nang darating pa sa ating problema. Kasi sa dami ng pinagdaanan ko, baka hindi ko na kayanin pa. Tanging sayo na lang ako kumukuha ng lakas ng loob ngayon. Tanging sayo na lang umiikot ang mundo ko. Tanging ikaw na lang ang pinanghahawakan ko para mabuhay sa mundong ito. Sana tapos na ang lahat. I hope we’ll attain the happiness and love we dreamed and desired from the very start unt

