“DAMN you Rayven! Mga walanghiya kayo! I hate you! You’re a fvcking cheater! Damn you!” Dahil sa matinding galit, disappointment at sakit na nararamdaman ni Sydney nang mga oras na iyon ay umiiyak na ibinato niya ang cellphone sa dingding. Nabasag iyon ngunit hindi na siya nag-abala pang pulutin iyon. Hindi niya alam kung ano ang pinagkaabalahan ng dalawa sa hotel. Pero hindi na siya bata at hindi siya tanga para hindi maisip kung ano ang maaaring ginawa ng dalawa roon. Ayaw na rin niyang isipin ang posibilidad na iyon dahil lalo lang siyang nasasaktan. Sapat nang katibayan ang mga larawang nakita niya. Sapat nang katibayan ang pagsisinungaling nito para maniwalang niloloko siya ni Rayven. And that pained her. Pakiramdam nga niya ay may kung anong matulis na bagay na tumutusok sa

