“SYDNEY?” “Yes Tita?” mabilis niyang pinagbuksan ng pinto ang tita niya nang kumatok ito sa pinto ng silid niya. “You have phone call, your mom wants to talk to you,” anito at iniumang sa kanya ang cordless phone na hawak nito. Napatitig siya sa bagay na iyon. Kung dati ay naiexcite siyang makausap ang parents niya ngunit ngayon ay iba ang nararamdaman niya. Ngayon ay nagdadalawang isip siya kung tatanggapin ba niya iyon o hindi. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit natatakot siyang kausapin ito. Natatakot siyang marinig ang mga sasabihin nito. “Come on take it,” untag ng Tita niya. Nang hindi pa rin siya tuminag ay naiiling na kinuha nito ang kamay niya at inilapag ang aparato sa palad niya. “Just talk to them. Balitaan mo na lang ako sa pag-uusapan niyo.” Pagkasabi n

