43 - First Confrontation

2560 Words

PAGKAPASOK na pagkapasok ni Sydney sa silid niya ay bahagya niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid. Napangiti siya nang makitang maayos at malinis pa rin ang silid na iyon. Ni wala man lang siyang makitang alikabok at agiw doon. Mukhang palaging pinapalinis iyon ng Tita niya kahit matagal nang hindi nagagamit ang silid na iyon. At ang lalong nagpangiti sa kanya ay ang katotohanang ni wala man lang nagbago roon. All the arrangements and the paints are still the same.   Tinungo niya ang kinaroroonan ng malambot at maluwang na kama niya at inihagis ang sarili doon. At habang nakatitig siya sa kisame ay parang tuksong nagpakita ang imahe ni Rayven sa balintataw niya. At hindi niya napigilan ang sariling mapabunghalit ng tawa nang maalala ang reaction at itsura nito kani-kanina.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD