“MY GOSH! It’s too hot!” nakangiwing bulong ni Sydney at pinaypayan ang sarili gamit ang sariling palad. Nang mga oras na iyon ay kasalukuyan na silang nagsasagawa ng tree planting sa bundok na halos ay kalbo na. May mangilan-ngilan pa namang puno ang natira roon ngunit ang iba ay maliliit pa lang, samantalang ang ibang malalaking puno naman ay tuyo at patay na. Tagatak ang pawis na umayos siya ng tayo matapos niyang itanim ang huling seedling na hawak niya. Pinunasan niya ang pawis sa noo gamit ang braso. “Tapos mo na ba? Doon ka na muna sa lilim ng puno,” utos sa kanya ni Brent at itinuro ang kinaroroonan ng mga puno sa di kalayuan. “Susunod ako sayo pagkatapos kong itanim ang mga ito,” anito at inginuso ang mga seedling sa paanan nito. Nauna na siyang natapos dahil tinulungan s

