“GOOD morning Sydney!” “Good morning din ate.” Napangiti siya nang makita si Ate Hazel na papasok ng kitchen nang umagang iyon. “Ang aga mo naman yatang gumising ngayon. At mukhang super busy ka.” Nagtatakang sabi nito at lumapit ito upang tingnan ang ginagawa niya. “What are you doing?” Lalong lumawak ang ngiti niya sa tanong nito. Maaga nga siyang gumising ngayon para makapagluto siya. “I’m cooking Crème Burlee.” “Bakit? Anong meron? May magbi-birthday ba? Is there something to celebrate?” sunud-sunod na tanong nito. “Wala naman ate, I’m just cooking it for someone.” Ngumiti ito ng mapanudyo sa naging sagot niya. “Hmm, mukhang alam ko na kung para kanino iyan. It’s for Rayven right?” Nakangiting tumango siya bilang sagot sa tanong nito. “Umamin ka nga, na

