Sa loob ng cubicle umiyak ng bonggang-bongga si Reyna at wala na s'yang pakialam kung may ibang tao pa sa paligid. Nagmamadali naman si Mia na pumasok sa cr pero nabigla siya nang may narinig na babaeng umiiyak sa loob ng isa sa cubicle at sa sobrang takot n'ya mabilis na tumakbo palabas ng cr tsaka dumiretso sa kitchen. Hinihingal pa ito ng maabutan n'ya si Rhiz na nagliligpit ng mga kagamitan nito sa pagluluto.
"Anong nangyari sa'yo Mia at humihingal ka d'yan, saang marathon ka ba galing? " natatawang tanong ni Rhiz.
"Kasi..ate Rhiz.. may multo, may multo po sa loob ng cr. Nakarinig ako ng babaeng umiiyak. " nanginginig na sabi nito.
"Praning ka na naman Mia! Walang multo dito sa Korea, ano ka ba nakakahiya ka talaga. " iling-iling ni Rhiz at kaagad na tinatapos ang ginagawa.
"Meron nga ate Rhiz narinig ng dalawang tainga ko ang umiiyak na babae. " putlang-putla ang mukha ni Mia.
Oh s'ya hintayin mo ako d'yan huhulihin natin kung sino ang multong iyan. Mag-time out lang ako at doon na ako sa cr magbihis ng damit ko. " nagmamadaling pumunta sa bundy clock para mag-punch out.
Naiwan naman si Mia na nakatulala sa isang tabi habang hinihintay ang paglabas ni Rhiz. Àgad naman bumalik si Mia at dumiretso sila ng cr.
"Ikaw na ang mauna ate Rhiz natatakot ako eh. " nagtatago pa sa likod si Mia
Binuksan ni Rhiz ang pinto at naunang pumasok para makiramdam sa paligid.
"Wala naman eh siguro guni-guni mo lang iyong narinig mo kanina. " tawa nitong mahina.
Pero laking gulat nilang dalawa ng biglang may bumulahaw uli ng iyak. " yumakap ng mahigpit si Mia kay Rhiz.
"Shhh...h'wag kang matakot hindi iyan multo. May tao ba d'yan lumabas ka at magpakita sa amin, h'wag mo nga kaming takutin ng ganyan. " humigpit ang kapit ni Mia sa braso ni Rhiz.
"Ate Rhiz tumahimik uli baka natakot sa'yo sabi ko na meron ngang multo dito ayaw mo kasing maniwala sa akin.
Biglang bumukas ang pinto at lumabas na si Reyna. "Ang ingay ninyong dalawa estorbo kayo sa pag.eemote ko. Sino ang multo? Teka lang hindi naman ako multo ah umiiyak lang ako at sino naman kayong mga estorbo sa pag-eemote ko? " pinakalma muna ni Reyna ang sarili bago ito tuluyang lumabas ng cubicle at pasinghot-singhot pa na pinunasan ang mga luha.
Nakatulala lang ang dalawa na nakatingin kay Reyna habang abala ito sa harap ng salamin at busy na sa kanyang pag-aayos.
"Hey tao po ako at hindi multo noh kaya tigilan n'yo ako d'yan ha at kung makatingin kayo sa akin wagas. "
"Anyways I'm Reyna Egam at receptionist ako dito. Ikaw? " turo nito kay Mia at tinawanan lang n'ya dahil namumutla na ito sa sobrang takot. "Girl kailangan mo na rin ng retouch ang putla mo na kasi. "
"Mia Joy Bose po ang pangalan ko ate Reyna at pastry chef naman po ako na-asign at ito naman si ate Rhiz s'ya naman po ang kitchen chef ng music lounge.
"Wow.. I'm glad to meet you girls, huwag kayong matakot sa akin kasi di naman ako multo. " tawa ni Reyna ng malakas.
"Bakit ka naman kasi umiyak dito sa cr nakakatakot kaya? " reklamo naman ni Mia.
"May problema ka ba ate Reyna gusto mo pag-usapan natin? Magkaibigan na tayo kaya andito lang kami handang makikinig sa'yo kahit ano pa ang problema mo. " saad ni Mia.
"Pareho na kaming nakapag-out ni Mia gusto ninyong mag-disco tayo sa Clubhouse? " aya ni Rhiz sa dalawa.
"Sige game sko d'yan ate Rhiz para matagtag ko naman ang mga taba ko sa tiyan. " excited na sagot ni Mia.
"Oo naman pero pagkatapos na ng show ni sissy Mary Ann at isama natin s'ya at si Venice para mas masaya. " sang-ayon naman ni Reyna.
Sabay na silang lumabas ng cr at sa bar counter na naghihintay sa last set ni Mary Ann. Hindi nagtagal tinawag muli ng host si Mary Ann para sa kanyang last set.
"Hello!! Still alive? I guess you're enjoying the night but this is my last song for tonight. " pumikit muna si Mary Ann habang dinadama nito ang tugtog na music intro ng banda.
[Mary Ann ??]
I'm staring at the glass
In front of me
Is it half empty?
Have I ruined all you've given me?
I know I've been selfish..
I know I've been foolish..
But look through that
And you will see,
That I'll do better
I know baby, I can do better..
“Hey! Sing with me guyyss.. “ sigaw ni Mary Ann at nagpatuloy sa pagkanta na sinabayan pa ng audience.
[Mary Ann ??]
If you leave me tonight,
I'll wake up alone,
Don't tell me
I will make it on my own
Don't leave me tonight,
This heart of stone
Will sink, 'til it dies,
If you leave me tonight.
Bigla na lamang tumulo ang luha ni Mary Ann habang nagpatuloy sa pagkanta.
[Mary Ann ??]
Sometimes I stare at you
While you are sleeping
I listen to your breathing
Amazed how I somehow
Managed to
Sweep you off of your feet, girl
Your perfect little feet, girl
I took for granted
What you do
But I do better
I know, baby, I can do better
If you leave me tonight
I'll wake up alone
Don't tell me
I will make it on my own
Don't leave me tonight
This heart of stone
Will sink 'til it dies
If you leave me tonight
Tumalikod ito at pinunasan ang kanyang luha at pinakalma ang sarili bago humarap uli at nagpatuloy sa pagkanta.
[Mary Ann ??]
Don't you know
My heart is pumping hope
It's putting out the fight
I got this feeling
That everything's alright
Don't you see
I'm not the only one for you
But you're the only one for me
If you leave me tonight
I'll wake up alone
“Please let’s sing together guyyss. “ itinutok pa sa audience ang microphone para marinig ang kanilang boses na sumabay sa kanta ni Mary Ann.
[Mary Ann ??]
If you leave me tonight,
I'll wake up alone,
Don't tell me
I will make it on my own.
Don't leave me tonight,
This heart of stone
Will sink, 'til it dies,
If you leave me tonight,
Don't leave me tonight..
“Thank you and goodnight everyone!! “ she bow her head and then hurriedly going back to the backstage.
Nasaksihan mismo ni Reyna at ng mga kaibigan nito sa may bar counter ang pag-iyak ni Mary Ann kaya agad n'yang pinuntahan ito sa backstage.
Nasa backstage na si Mary Ann nang bumigay lahat ang luhang kanina pa n'ya pinipigilan. Medyo madilim sa backstage kaya hindi n'ya alam kung sino ang dumalo sa kanya, basta isa lang ang nasa isip ng mga sandaling iyon ang yumakap dito at umiyak para lang gumaan ang kanyang pakiramdam.
Kaya ng nahimasmasan s'ya agad pero nang tignan n'ya ito kung sino ay laking gulat n'yang makilala itong si Macoy pala ang dumalo at yumakap sa kanya at pareho silang nakatulala.
"I'm sorry Mary Ann, kasi nakita kitang umiiyak kanina pag-alis mo ng stage kaya agad kitang sinundan at nilapitan pero yumakap ka sa akin habang umiiyak. Niyakap na lamang din kita para pakalmahin. " mahabang paliwanag ni Macoy sa kanya.
"Okay lang po sir Macoy pasensya na po kayo sa akin pati tuloy iyong damit mo nabasa pa ng aking mga luha, pawis at laway ko. " pilit na tumawa sabay punas sa damit nito.
"Huwag ka ng mag-alala sa akin Mary Ann, I'm okay may extrang polo naman akong dala, so please stop it. " pero hindi pa rin tumigil si Mary Ann sa kapupunas kaya hinawakan na lamang ni Macoy ang kanyang kamay para tumigil na.
Nagulat si Mary Ann sa paghawak ni Macoy sa kanyang kamay, pakiramdam n'ya kasi may kuryenteng dumaloy sa mga ugat n'ya at nahipnotismong tumitig s'ya kay Macoy muĺa sa mga mata nito, sa ilong, hanggang sa labi na parang kay sarap halikan. Sinukat nila pareho ang pakipagtitigan nila sa isa't-isa.
Hindi napigilan ni Mary Ann ang halikan sa labi si Macoy and it takes time to last their kisses bago s'ya natauhan sa nangyari kanina lang at pareho silang nakatulala ngayon.
"I'm sorry sir Macoy, it's not supposed to happened, nakayokong sabi ni Mary Ann. "
" Nahihiya rin ako sa iyo but I didn't mean to kissed you that way. I'm really sorry, I don't have the right anymore to do that thing. " haplos nito sa kanyang mukha.
"What do you mean by that sir Macoy? " nagtatakang tanong ni Mary Ann.
"Again I'm really sorry because I'm happily married already and soon to be a father. My wife is now 7 months pregnant. " seryosong sabi ni Macoy habang pinupunasan nito ang mga luha sa kanyang pisngi.
"No..no..you're just bluffing me.. you're only bluffing me right? I can't believe on your lies! Please it's not true. " lalong umiiyak si Mary Ann sa sobrang sakit.
"I hope you will understand me Mary Ann kaibigan lang talaga ang tingin ko sa iyo. " mahinahon na sabi ni Macoy.
"No! Sinungaling ka. I hate you, sir Macoy! " sigaw ni Mary Ann at itinulak ito para makawala sa kanyang pagkayakap.
Umiiyak si Mary Ann na nilisan ang backstage at iniwan mag-isa si Macoy.
"Sissy!! " tawag ni Reyna kay Mary Ann pagpasok nito sa backstage pero walang nakapansin sa kanya.
Hindi makapaniwala si Reyna sa kanyang nasaksihan at nalalaman mula sa dalawa. Kaagad na sinundan ni Reyna ang kaibigan pero hindi na n'ya ito naabutan. Bumalik na lamang s'ya sa bar counter kung saan naghihintay sa kanya sila Rhiz at Mia.