HALOS tumagos na ang pagkakatitig ni Koen sa babaeng nagtangka sa buhay nya. Pagkatapos mawalan ng malay ay iniupo nya ito tsaka itinali ang kamay sa likuran habang ang mga paa naman ay nakatali sa paanan ng silya. He's even kind enough to wipe the blood on her nose that was caused by the fall.
He's sitting on the edge of the bed, arms crossed on his chest and brows knitted out of confusion.
The woman in front of him is pretending to be asleep. Kitang-kita nya kung paanong gumalaw ang leeg nito matapos lumunok-lunok, pati na rin ang bahagyang pagbukas ng mata ng babae para i-check sya ay nakita nya.
Napangiwi sya. Hindi nya maunawaan kung bakit nagpapanggap itong tulog eh kitang-kita sa pagtulis ng nguso ng babae na kanina pa ito gising. Isa pa ay nakikita nya sa full body mirror na nasa likuran ng babae kung paano nito sinusubukan kalagan ang sarili gamit ang maliit na kutsilyo.
"I can see you that you're finally awake."
Otomatikong nagmulat ang babae tsaka pa-ubo-ubong nag-iwas ng tingin, patuloy sa pagtangkang pagputol ng lubid na nakatali sa kanyang sariling kamay. Iginala nito ang tingin sa paligid na tila ba nagpapanggap na walang nakikitang tao sa harap nya.
"Wow. Infairness ha, ang ganda ng kwarto mo." Saglit nyang sinulyapan si Koen bago lumagpas ang tingin nito. "Uy, pader ba 'yun?"
Bumuka ang bibig ni Koen para sana magsalita pero agad nya rin itinikom 'yon bago hinilamos ang palad sa mukha habang hindi inaalis ang tingin sa babae. Pinigilan nyang h'wag magsalita ng masama laban dito. Pakiramdam nya kasi ay iiyak ito bigla kapag may sinabi syang hindi maganda.
'Akala ba nya tanga ako kagaya nya?' Saad nya sa isip nya. Naguguluhan sya kung umaakto lang ba ang babae o talagang kinulang ang IQ nito. Hindi naman kaya naalog ang utak nito pagkatapos mapatid kanina?
Humugot sya ng malalim na hininga. Bakit ba sya nag-a-aksaya ng panahon sa babaeng 'to? Alas onse na ng gabi, dapat ganitong oras ay naghahanda na syang matulog dahil maaga na naman syang gigising para pumasok sa trabaho.
The woman winces after crinkling her nose. Nakaramdam sya ng kirot, hula nya ay mukhang tumama ang ilong nya sa kung saan.
"Bakit ang sakit ng ilong ko?" Nagtataka nyang tanong bago sinalubong ang tingin ni Koen. "Sinapak mo siguro ako habang tulog?"
Agad na nalukot ang mukha ni Koen. Malinaw na na-offend sya sa tanong nito.
"You tripped on your own shoelaces then you fell. Face first." Tipid nyang sagot.
"Weeeh?"
"Yes. You tripped by yourself and injected the sedative to your own arm."
She squinted her eyes in suspiscion. "Talaga ba? Baka mamaya..."
His lips turned into thin line. Nararamdaman nyang mauubusan sya ng pasensya kapag nakipag-usap pa sya sa babaeng 'to.
He pulled out the Glock 17 gun that he's hidden under his pillow.
"Do you have any last words?" He asked as he load it.
Namilog ang mga mata ng babae na sinabayan pa ng pagnganga. She looks hurt for some reason, tila mas na-offend ito sa itinanong ni Koen. Kulang na lang ay humawak ito sa dibdib para lang ipakita kay Koen na hindi nito nagustuhan ang tanong nya.
"Hindi mo ba muna itatanong kung sino ako?"
Tumaas ang kilay ni Koen. Bakit parang mas inis pa ito sa kanya? Dapat ba tanungin muna ni Koen kung sino sya?
Mukhang big deal sa babae ang magpakilala. Kaya naman kahit ayaw ni Koen ay napilitan syang magtanong.
"Who are you then?"
"Secret!" Dumila ang babae bago tumawa. "Bakit ko naman sasabihin sa'yo ang pangalan ko? Isa akong assassin, kaya never kong sasabihin kung sino ako—"
"Leigh Aira Gomez."
Mas nanlaki ang mata ng babae ng marinig ang buong pangalan nya. "Hoy! Bakit alam mo yung pangalan ko? Stalker ka 'no!?"
"What? No. I've read it. You're still wearing an assassin ID." Itinuro ni Koen ang ID nito.
Agad na bumaba ang tingin ng babae sa sarili tsaka napagtantong suot nga nya ang ID nya with matching ID lace na may logo at pangalan ng organisasyon na kinabibilangan nya.
"You're weird by the way. Assassin with an ID? That's the dumbest s**t I've ever encounter." Komento ni Koen na napapabuntong hininga. Nagtataka rin sya kung bakit kinakausap pa nya ang babae.
"Weird? Anong weird dito? ID ko 'to sa trabaho, kaya walang weird dito! Hindi ba gumagamit ng ID yung mga tauhan mo sa kumpanya mo?"
"Of course they do—"
"Edi wirdo rin pala kayo eh! Bakit sila nag-a-ID? Kasi oras ng trabaho di'ba? Kapag sila ang naka-ID, ulirang empleyado, tapos 'pag ako, wirdo? Aba, dissemination na 'yon!"
Pakiramdam ni Koen ay nagsisimula ng tumibok yung mga ugat nya sa noo. Maski yung panga nya unti-unti ng umiigting.
Yung sakit ba ng ulo nya, dala ba ng stress o dahil sa babaeng 'to? May point naman kasi ang mga sinabi nito sa kanya, medyo pointless nga lang.
"That should be discrimination, not dissemination. Those are two completely different words. Different spelling, diferrent meaning." Kalmadong paliwanag nya. Talagang idiniin pa ang mga huling salita para lang ipaintindi dito.
Ngunit imbes na unawain ng babae ay nalukot pa lalo ang mukha nito. Malamang ay hindi natuwa sa pagko-correct nito.
"Parehas lang 'yon. Basta yun na yon."
"No, it's not. It's completely different."
"No! Parehas lang yun!"
"Leigh Aira."
"Eira na lang! Ang haba-haba ng Leigh Aira eh." Bumaba ang tingin nito sa baril na hawak ni Koen. "Ano, puputukan mo na ba ako?"
Koen pinched the bridge of his nose as he heave a deep sigh.
"Can you please think before you speak? The last person who didn't lost his tongue."
Kunsumidong-kunsumido na sya sa mga pinagsasabi ni Eira. Baka nga wirdo rin sya kasi bakit pa ba nya kinakausap 'tong babaeng 'to? Sagot rin kasi sya ng sagot kay Eira kaya lalong sumasakit yung ulo nya eh.
"Ay, hala bakit? Saan ba nya nilagay? Bakit nawala?"
Nangunot ang noo ni Koen sa inosenteng tanong ni Eira. "Ang alin ang nawala?"
"Yung dila nya." Yung ulo naman ni Eira ang tumabingi. "Sabi mo nawala?"
"Yeah, that's what I just said."
"Kaya nga. Paano nya nawalan yung dila nya? Hindi kaya na-mis-place nya lang?"
His lips parted in disbelief. "Are you for real?"
"Oo naman, totoo ako. Baliw ka ba?"
He's lost for words. Talagang naiwan na lang na nakaawang ang mga labi nya dahil literal na wala na syang masabi sa babae.
For the first time, in his thirty two years of living in this world. Ngayon lang sya nawalan ng isasagot sa kausap. He felt like his brain stopped working for a moment, na para bang may wires sa utak nya na biglang nag-spark kaya huminto sa pagfa-function yung utak nya.
"Teka lang ah, huwag mo muna akong putukan nyan. Magbilang ka muna ng one, two, three, ha? Para ready ako." Dagdag pa nito.
Ngunit hindi na talaga sumagot si Koen at pagod na itinikom na lang ang bibig. He even dropped the gun to the bed and just sit there with his arms back to being crossed to his chest while looking at Eira with disappointment. Mukhang tatakas ang babae pagkabilang ni Koen ng three dahil nakita nya mula sa repleksyon ng salamin na nakalag na ni Eira ang tali sa mga kamay nito at may kung anong hinugot sa likuran.
Kung tatakas man ito, mabuti pa't bilisan na nya dahil mas gugustuhin pa ni Koen na humilata sa kama para ipahinga ang utak nyang na-drain kakasagot kay Eira.
"Okay na, ako na magbibilang." Pagpi-presinta nya tsaka pumikit at nagsimulang magbilang. "One... Two..."
Nanatili lang na nakamasid si Koen sa kanya. Ayaw na nyang magsalita. Pagod na talaga sya.
"T-two and a half..."
Si Eira naman ay kabadong hinawakan ng mahigpit ang bagay na kinuha nya sa likurang bulsa ng red suit nya.
"T-two and a half and one fourth..."
"There's no such thing as a two and a half and one fourth, Leigh Aira." Hindi napigilang komento ni Koen kaya pinandilatan sya ni Eira.
"Eira nga sabi!" Anya tsaka pumalatak. "Tsaka h'wag kang mangialam kasi ako ang nagbibilang dito. Dyan ka lang, ikaw ang taga-putok. Two and a half and one fourth with one eight!"
Koen groans. He's a little bit flustered because of Eira's choice of words. He knows that she's gonna throw that thing that she's holding and make her escape. Gusto ng magdasal ni Koen para bilisan ni Eira ang pagtakas ng makapagpahinga na sya.
Eira bit her lower lip. "Okay! Two and a half and one fourth, one half—"
"Are you f*****g kidding me—"
"Three! Disappear, apir!" Biglang sigaw ni Eira.
As expected, Eira threw the thing that she's holding earlier. It hit the ground and blew up, doon napagtanto na para pala iyon smokebomb or smokescreen something para matakpan ang pagtakas ni Eira.
Akala ni Koen ay nakaalis na ang babae. He even started to unbutton his long sleeve polo to prepare for sleep but he was interrupted when he heard the same familiar thud.
"Aray." Eira cried.
Koen stood there dumbfounded while waiting for the smoke to clear up. Noong mawala na ang usok ay doon nya nakitang nakaplakda na naman sa sahig si Eira but this time ay kasama ang silyang kinauupuan nito kanina.
Dismayadong namewang si Koen. "What the f**k are you doing?"
"Alam mo, kasalanan mo 'to eh!" Suminghot-singhot sya habang maingat na umupo ng maayos. "Bakit kasi pati paa ko itinali mo?"
"The heck, ako pa talaga ang sinisi mo?"
"Oo! Eh kanino bang bahay at silya 'to? Eh di'ba sayo? Kaya kasalanan mo 'to." Saad nya habang hinihimas ang tuhod.
He closed his eyes and took a very deep breath. Dahan-dahan ang naging pagbuga ni Koen ng hangin tsaka marahas na sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Nagbilang muna sya ng hanggang sampu tsaka muling nagmulat at lumapit kay Eira.
"Hindi ko alam kung anong problema mo, but I want you to leave me alone for tonight because I still have work to do for tomorrow." He almost pleaded as he cut the ropes using Eira's own knife before giving back the knife to her hand. "You can just come back here anytime and do what you need to do, pero sa ngayon, hayaan mo muna akong matulog."
Eira stared at him for a minute. Sobrang tulis ng nguso nito habang nangingilid ang luha. Koen stared back at her as well, pero segundo lang ang itinagal at napaungol sa sa inis dahil sa itsura ng babae. Parang kuting na nagpapaawa sa kanya.
"I'm not at home since eight in the morning up until nine in the evening. I'm only working at weekdays at day off ko ng weekends."
Umangat ang kamay nya tsaka pinunasan yung luha ni Eira gamit ang manggas ng polo nya. He even fixed her hair that got tangled due to sweat and the smoke from the little bomb earlier.
Tinulungan nya itong tumayo tsaka hinila patungo sa pinto.
"Don't forget to close the main gate after you leave." Bilin nya tsaka nya ito itinulak palabas at isinara ang pinto.
Koen almost ran to his bed and just straight dived into it. Para syang natanggalan ng tinik sa ulo at nabawasan ang sakit at kirot non. Tuluyan na syang pumikit habang yakap-yakap ang isa sa mga unan nya.
Ngunit ilang minuto pa lang ang lumipas ay muli syang napadilat ng may kumakalampag sa pintuan ng kwarto nya habang sumisigaw ang taong akala nya ay umalis na.
"Koen! Huy! Pahiram muna ng pamasahe!" Sigaw ni Eira bago nilakasan ang pagkalampag sa pinto. "Koen? Tulog ka naaa? Huyyy!"
'Argh. Who the hell hired this woman? She's already killing me without even doing nothing!' Anya sa utak nya tsaka nagtakip ng unan sa ulo.