Chapter 4

1491 Words
SAMANTALA, pagkatapos ni Matthew at ni Leandro sa Pagudpud Ilocos, Norte ay lumipad naman sila papuntang Puerto Galera Oriental, Mindoro upang tingnan ang development sa floating bar na ipinapatayo sa gitna ng dagat at ang expansion ng hotel nila sa white beach. Doon na sila inabot ng gabi kaya mas pinili nalang nila na  doon na rin matulog sa private suite nila sa hotel.   "Bro, we had a long day today. Why don't we stay for the night and relax?" ani ni Andrew. "Sure why not Bro," sang-ayon naman ni Matthew. "These past few days you seem to be weary and distracted, maybe you need a little break," suhestiyon ng matalik na kaibigan.   "Yeah maybe I need to," sagot ni Matthew. Tama ito nitong mga nakaraang araw ay parang balisa siya na hindi niya maintindihan. Napanaginipan niya kasi ang mga tunay na magulang hindi man malinaw ay parang sinasabi ng mga ito na hanapin na niya ang mga kapatid dahil ayon sa panaginip niya ay umiiyak ang ina na inaalo naman ng kanyang ama. Naisip ni Matthew na siguro hindi matahimik ang kaluluwa ng mga magulang sa kung saan man ang mga ito naroroon. Alam ni Andrew ang kanyang pinagdadaanan, wala siyang inililihim sa matalik na kaibigan. Mula noong mapunta siya sa poder ng foster parents niya ay ito ang kanyang naging kaisa-isang matalik na kaibigan dahil ito lang ang tumanggap sa kanya ng buo. Hindi katulad ng ibang anak mayaman na mapagmataas at mayayabang. Si Andrew ay likas na mapagpakumbaba. Ito rin lagi ang nagpapalakas ng loob niya sa tuwing parang susuko na siya. Ito ang laging nagsasabi sa kanya na lumaban sa buhay at mga pagsubok.   Pagkapasok niya sa sariling suite ay hapong-hapo na ibinagsak niya ang sarili sa kama. Hinubad ang mga kasuotan at naidlip. Sa sobrang pagod ay alas-diyes na ng gabi siya nagising at nakaramdam ng gutom. Sakto naman na tumatawag si Andrew at nagyayayang kumain na sila, kaya naligo siya at nagbihis. May mga damit siyang nandoon sa closet ng suite niya sinasadya niyang mag-iiwan ng mga gamit sa bawat branch ng hotels nila para kung saan sila abutin ng gabi ay lagi siyang may bibihisan pati toiletries ay kumpleto. Pumili siya ng puting short sleeve polo shirt at faded na tattered jeans na blue tsaka trainers na itim. Rugged siya manamit kaya lalong nababaliw ang mga kababaihan sa kanya kasi bad boy ang dating niya. Kaya sa edad na trenta'y sais ay para lang siyang bente sais. Bata siyang tingnan sa edad niya iyon lang ay may paunti-unti ng lumalabas na gray hair pero pasalamat siya doon. Dahil sa mga lalaki kapag nagkakaedad ay kung hindi makalbo ay pumuputi naman ang buhok kaagad, isang katotohanang hindi maiiwasan. Maswerte nalang ang lalaki kung habang nagkakaedad ay saka naman mas yuma- yummy tingnan na katulad niya. Napangiti pa ng bahagya si Matthew habang nasa harap ng salamin at sandaling pinagmasdan ang sarili.   Bumaba na siya sa may lobby at hinanap ng mata si Andrew. Nakita niyang kumakaway ito sa kanya mula sa may poolside. Lumapit siya doon at humugot ng upuan.   "What you gonna eat bro?" tanong niya kay Andrew na noon ay busy sa phone niya.   "I'll eat what you eat," maikling sagot nito sa kanya.   "Ah, okay then I'll order for us," wika ni Matthew. Nilingon ang nakaabang na kaagad na waitress sa restaurant section. "Yes, sir Matthew?" pacute na tanong nito sa kanya. Nag-order muna siya ng dalawang absolute vodka-cranberry at saka sinabi ang gusto nilang kainin na hindi na tumingin sa menu. Sanay na ang mga empleyado niya sa kanila na kapag nagagawi sila doon ay mixed seafood curry at grilled tuna ang kinakain nila. Nagpaluto din siya ng lobster at inihaw na pusit. Habang hinihintay nila ang pagkain ay pareho silang busy sa phone ni Andrew. "Hello sir Matthew, sir Andrew, here's your dinner sir," magalang na untag sa kanila ng waitress at inilapag na nito ang mga pagkain. "Anything more sir?" tanong nito sa kanila habang hawak ang pinaglagyang tray. "No more thanks," sagot ni Matthew sa waitress na si Sally. "Okay sir enjoy your food po," ani nito at tumalikod na.   Magana silang kumain ni Andrew pagkatapos ay nag-order ulit ng red wine at masayang nagkwentuhan about sa mga business ventures nila. Mag-aalas dose na nang magyaya si Andrew lumipat sa discovery club na nasa loob lang din ng hotel. Medyo nag-aalangan si Matthew dahil nakaramdam na siya ng antok ngunit ayaw niyang tanggihan si Andrew. Alam niyang gusto nito makakita muna ng magagandang tanawin bago matulog o magdala ng babae sa kwarto pampatulog. Magka-iba sila ni Andrew siya ay never pang kumuha ng babae sa bar man nila o sa iba pero si Andrew ay "any girl will do" kapag natipuhan nito.   Hindi siya kumukuha ng babae sa bar hindi dahil ayaw niya kundi dahil mataas ang respeto niya sa mga ito kabaliktaran sa iniisip ng mga taong mapanghusga. Para sa kanya kung wala ang mga babae ay wala rin ang hotels, restaurants, at bars na business nila dahil maliban sa tourist destinations ng bansa pumupunta ang mga dayuhan sa Pilipinas para makahanap ng babaeng pwede nila makatuluyan at makasama sa buhay. Kilala ang mga pinay na likas na maalaga at mapagmahal kaya maraming foreigners ang pumupunta dito at kapag may nagkamabutihan ay dinadala sa bansa nila o iyong iba ay dito na naninirahan.   Isa pa, para kay Matthew ay ayaw niyang i-take advantage ang sitwasyon ng mga babae na napupunta sa ganoong trabaho. Alam niya na tanging hangad lamang ng mga ito ay makahanap ng magandang kapalaran at makaahon sa kahirapan kaya bakit niya paglalaruan ang mga damdamin nito. Hindi katulad ng mga babaeng pinaglalaruan niya na nasa kanila na halos lahat ang magagandang bagay na nabibili ng pera ngunit mga mapaghangad parin. "Okay bro, your wish is may command," biro niya sa kaibigan at tumayo na sa upuan. "Hahaha," malakas naman na halakhak ni Andrew na parang tinamaan na sa mga nainom. "Baka may bagong alaga bro si mommy, titikman ko lang," sabay tawa ulit. Mommy ang tawag nila sa mga floor managers ng club o mas kilalang mamasan. "See how you are bro, you're a slut!" nakatawang saad ni Matthew. Lalo naman itong napahalakhak. "Well, if that's the case I'm the best slut in town then!" sagot ni Andrew kay Matthew na tumindig pa ng maayos sabay tawa. "Fine, yee you are," umiiling naman na sumasang-ayon si Matthew. He knew his friend kung wild boar siya ay wildest monkey in the forest naman ito when it comes to girls.   "Hey...hey...Bro I know what you're thinking," saad ni Andrew na nakatawa parin. "I'm maybe the wildest monkey in the forest but I'm the most generous one. I always share my one and only banana to those who are hungry and in need," sabay halakhak ulit ni Andrew.   "Hahaha...bastos ng bunganga mo," sabi ni Mathew na pabiro pang binatukan ang kaibigan.   "Alin ang bastos doon?" painosente kunwari nito. "I'm just stating a fact, I let the girls do what they want to do with my banana. They can rub it, shake it, lick it and sit on it all they want. I just lay down and think of England," salaysay nito na lalong humalakhak.   "Crazy!" iyon nalang ang nasabi ni Matthew.   Pagdating sa kalokohan ay tameme talaga siya dito. Masyado itong open sa mga ganoong bagay. Pagpasok nila sa Discovery Club ay marami na ang customers ang nandoon at nagkakasayahan na. Dahil medyo malalim na ang gabi karamihan ay mga lasing na. Mostly foreigners na malamang guests lang din ng hotel ang mga naroon kung may iba man ay mga nagba-bar hopping at may mga kasamang babae. Abala ang mga empleyado sa mga kani-kanilang trabaho. Ang mga dancers ay salit-salitan umakyat sa stage, may cultural at modern dancers na grupo kung sumayaw. Meron naman  modeling ng mga babaeng nakabody paintings, at meron solo kung magperform iyong tinatawag nilang show girl. Ang mga waitress naman ay abala sa pag-asikaso sa mga customers.   Normal na tanawin na iyon para kay Matthew. Karamihan sa negosyo nila ni Andrew ay mga hotels at bars. Bagama't alam ni Matthew na sa mata at isipan ng mga taong mapanghusga tingin sa kanya ay masama at sa mga babaeng nagtatrabaho sa club nila ay mababang uri. Hindi maiwasan na sa ganitong uri ng mga negosyo ay lalong lumalaganap ang prostitution sa bansa. Ngunit hindi ganoon ang mindset ni Matthew, mas gusto niyang isipin na binibigyan niya lang ng pagkakataon ang mga kababaihan na nagnanais makaahon sa kahirapan at mabago ang kapalaran dahil sa mga dayuhan. Para sa kanya "every man is the architect of his destiny" that your actions and decisions decide what you achieve or don't in life. Sabi pa nga nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kaya kung sa ganitong paraan siya makakatulong sa mga kababayan ay wala na siyang pakialam sa sasabihin ng mga mapangutyang tao sa lipunan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD