MAGANA nga silang kumain kasama ni manang Tildi simula ng pumanaw ang mga magulang ay ito na ang madalas kasa-kasama ni Matthew kumain minsan naman sabay-sabay sila ng mga katulong. Pagkatapos maghapunan ay umakyat na sila Matthew at Priscilla sa kwarto. Si Priscilla ay ipinaghanda ng isusuot si Matthew habang ang binata ay pumasok sa shower room at naligo. Pagkalabas ni Matthew mula sa shower room ay nagbihis. Si Priscilla naman ay biglang nailang hindi niya alam kung ano ang mangyayari ngayong gabi at silang dalawa lang ulit ni Matthew sa kwarto. Ang totoo ay halu-halo ang emosyong nararamdaman niya nandoon ang excitement at kaba pero alam niyang sa kabila ng mga ito ay maligayang-maligaya siya sa piling ng binata. Pagkatapos magbihis ni Matthew ay lumabas na ito mula sa walk-in closet a

