NATAWA nalang din si Priscilla, pero buo ang tiwala niya sa binata alam niyang ito mismo ang nagpipigil sa sarili kaya pagnahahalikan na siya ay ito rin ang una at kusang humihinto ni hindi ito nag attempt paglakbayin ang kamay sa maseselan na bahagi ng katawan niya. Tumayo na si Matthew para magshower. Si Priscilla naman ay nahiga na. Ilang minuto ay lumabas na si Matthew mula sa walk in closet niya na connected sa bathroom. Nagsuot siya ng T-shirt at shorts na pambahay. Maski mag-isa lang siya sa kwarto ay hindi niya ugali ang matulog ng nakahubad mas gusto niya iyong presentable parin siya kahit sa mga katulong lang madalas kasi pumapasok nalang ito sa kwarto niya pag may kailangan o kaya mag-aayos sa mga gamit niya ayaw niyang maiilang ang mga ito lalo na noong buhay pa ang mommy ni

