"SWEETHEART what happened? Sinaktan ka ba niya? Bakit ganyan ang itsura mo?"puno ng pag-aalala ng mga tanong ni Matthew habang itinatayo si Priscilla at sinipat ang mukha at katawan ngunit ng makita ang mga bakas ng pagniniig nila ay naintindihan na niya ang nangyari. "Matt, pinalaya na ako ni Jeremy at tinanggap na niya na ikaw talaga ang mahal ko,"saad ni Priscilla habang inaayos ulit ang damit niya. "Mabuti kung ganun at mula ngayon ay hindi na tayo magkakahiwalay. Hindi ko na hahayaang mawalay kayo ulit ni Jacob sa akin,"saad ni Matthew sabay yakap kay Priscilla. "Anong gagawin natin at paano naman itong bahay?"tanong ni Priscilla. "Bukas na bukas din ay iuuwi ko na kayo sa mansion at doon tayo permanenteng maninirahan at ang bahay na ito ay nasa iyo ang pasya kung ipapanatili mong

