Wylene’s POV It was a smooth week for me. Naka-receive rin ako ng tawag na may interview ako at exam sa inaplyan kong managerial position sa isang Mall sa Padre Faura. Buti nalang itinaon sa Friday, tamang-tama na restday ko. Pag-uwi ko, agad akong nagbihis. Mamayang hapon na lang ako matutulog. Dumiretso na ako sa exam at interview ko. Alas tres na ng matapos ito. Bumibigay na rin ang talukap ng mga mata ko, kulang na lang matutumba ako sa bigat ng katawan ko dahil sa antok. “Wyl?” Napalingon ako. Si Jayden. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya. Napahikab ako. Tinatamad akong sumagot. Ramdam na ramdam ko na talaga ang puyat at matinding pagod. “Uwi ka na? Hatid na kita,” saad niya. Tumango na lang ako. Napahawak ako sa braso niya. “Antok na talaga ako,” saad ko saka pinilit hum

