“Den, paano kung hindi tayo magkaanak?” tanong ni Wylene sa asawa habang sila ay nanonood ng TV. Nakaupo si Wylene sa couch habang si Jayden naman ay nakahiga. Ang ulo nito ay nasa kandungan niya. Marahan niyang hinahaplos ang buhok nito. Napatingin naman si Jayden sa tinuran ng maybahay. Anim na buwan na rin kasi matapos silang ikasal at naging maayos naman ang kanilang pagsasama. “Why did you ask?” balik tanong nito. “Alam mo na, medyo may edad na ako. Baka hindi na ako magbuntis.” Sinundan ni Wylene ng mahinang tawa ang tinuran niya. Dinaan na lamang niya sa biro ang agam-agam. Napaupo naman si Jayden dahil naramdaman nito ang seryosong ibig sabihin ng asawa kahit ang tono nito’y nagbibiro. “Ano ka ba, you’re only 31 and I’m 32. Bata pa tayo.” saad nito saka niyakap si Wylene at
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


