Chapter 1

1524 Words
I slowly opened my eyes. Waking up each day is one of the best things that has happened in my life. New day, new beginning, new challenge. Hindi naman ganito kakomplikado ang buhay ko mula ng dumating sya sa buhay ko. I am just an ordinary, simple girl who wakes up, goes to school and does part-time jobs. May mga manliligaw din ako pero hindi ko sila binibigyan ng pagkakataon para papasukin sa buhay ko. "Gen, your consistent suitor and admirer is coming." hagikhik ni Chantel sa harapan ko. Napatingin ako sa likuran ko and there I saw Justine coming with three stem white sunflowers and a heart shape chocolates. I rolled my eyes at her and focused on my notes. "Bakit di mo bigyan ng chance si Justine? Ano pa ba ang hinahanap mo sa kanya? Mabait, matalino naman kahit papano, gwapo at higit sa lahat mayaman. You're one hell of a lucky girl on the campus." komento ni Chantel sa harapan ko habang pinapanood ang paglapit ni Justine sa table namin. "Sayo nalang kung gusto mo. You know that I don't have time for relationships." sabi ko sa kanya. Napalabi ito. "No thanks, I have my Dylan with me." aniya sabay sukbit ng braso nito sa braso ng boyfriend niyang tahimik lang na nakikinig sa amin, humiling naman si Dylan sa balikat niya. Dylan is a silent type of a guy and I can see how they love each other in spite of their differences. Nagkibit balikat lang si Dylan at ngumiti. Napailing nalang ako. "Hi, Genesis!" nakangiting bati sa akin ni Justine sabay abot ng bulaklak. Tiningnan ko sya at nginitian. Nagkislap naman ang mata nito. Di ko naman ipagkailang gwapo itong si Justine pero wala talaga eh. Hindi ko alam kung bakit nagtatyiga pa sya sa akin na madami naman syang admirer. "Salamat dito. Nag abala ka pa." sagot ko sabay abot ng bulaklak. Sa dinami dami ng bulaklak sa mundo hindi ko naisip bakit sunflower pa talaga ang napili niyang ibigay sa akin araw-araw maliban sa lagi niyang sinasabi. "Ikaw ang nagbibigay liwanag sa buhay ko kaya itong sunflower ay bagay sayo." napapangiwi nalang ako sa kakornihan ng lalaking ito. "Baka naman nabully na naman ako ng mga fans mo sa pagbibigay mo sa akin nito, huh?" banta ko sa kanya. Minsan naisip ko mabait na siguro ako dahil di ko alam kung paano sya i turn-down. Gusto kong iwasan niya ako pero di ko alam pano ko sya ipoprovoke. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Instead nag iba ito ng topic."Busy ka ba ngayong linggo? Yayain sana kita-" Bago pa niya matapos ang sasabihin niya pinutol ko na sya sa kanyang sasabihin. "Marami kasi akong gagawin Just, hindi ko alam kung kailan ako free at ayoko ding mangako sayo. You know I'm a busy person. I work for myself." nakangiting sabi ko sa kanya. Ayoko talagang maging bastos sa kausap ko kaya hanggang kaya kong itune down ang boses ko di ako gagawa ng hakbang makakasakit sa kapwa ko. "Naintindihan ko, pero kung sasagutin mo ako I can help you sa lahat ng pangangailangan mo." umiling iling ako. Yan ang pinaka ayaw ko sa lahat ang mag depende sa ibang tao. Ayokong isipin nila kaya ko lang dya sinagot para perahan. "Thank you Justine but I can just say yes to someone I don't love." There you go. Sa tinagal tagal ng panahon ngayon ko lang nailabas ang salitang yan. Nakita kong natigilan sya sa sinabi ko pero I just can't take it back. "Wala na ba talaga akong pag asa?" malungkot niyang tanong sa akin. He is on the verge of crying, but I can't comfort him. I've been nice to him in his entire courting days, but now I don't know anymore. Gusto kong itigil niya na ito. "I'm sorry Justine. I have so many things to do first before entering in a relationship." malungkot kong saad sa kanya. Tumango tango lang ito at ngumiti ng pilit. "I understand, but I am willing to wait." "Don't. I won't let you wait for anything. There are tons of girls dying to have your attention-" "But what I only want is your sole attention." "I know you'll forget me pag nakita mo na ang babaeng mamahalin mo. Trust me hindi ako para sayo." "I hope so, but I know you're always different," ani niya. "So friends?" abot ko ng kamay ko sa kanya. Tinanggap niya ito kahit halatang labag sa kalooban niya. "As if I have a choice." malungjot niyang sabi sabay higit sa akin papunta sa mga bisig niya para yakapin. Nabigla ako noong una but I hugged him back. "You're still my friend." hinimas ko ang likod niya bago kumalas. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "You're here already." bati sa akin ni Yna ng magkita kami sa locker room ng cafè na pinagtatrabahuhan ko tuwing gabi pagkatapos ng klase. Daily routine ko na ang school-work-house araw-araw. Hanggang three pm ang pasok ko sa school everyday at 5-10 pm naman ang sa cafè. Nung una nahihirapan akong magbalance ng time ko pero nung nalaman ko na ang techniques sa time management nagiging easy nalang sa akin ang pagbalanse. Mahirap pero masaya lalo na at nag iisa ka lang sa buhay at kailangan mong kumayod para sa sarili mo. Simula ng mamatay ang parents ko years ago ay natuto na akong mabuhay mag isa. Iniwan din ako ng ate ko, since kids di na naman kami magkasundo. Kahit may maganda syang trabaho di ako nagsayang ng oras humingi ng tulong sa kanya. "Hello, Yna." masayang bati ko sa kanya habang inaayos ang apron ko at tinali ang buhok ko. Naglagay ako ng pulbo para kahit papano di naman ko magmukhang dugyot sa harapan ng customers. Ngumiti siya pabalik at inayos din ang apron niya. Pareho kaming part timer ni Yna at tuwing gabi ang schedule namin. Nag aaral din sya pero magkaiba kami ng school na pinapasukan. Scholar ako sa isang di naman ganun ka sikat na school at fine arts ang kinukuha kong kurso. Simula bata pa ako mahilig ako sa mga bagay na may kinalaman sa arts. Pero nag fofocus ako sa pagkuha ng litrato. Frustrated photographer ang tawag ko sa sarili ko dahil kahit gaano kaliit na bagay kinukunan ko na pictures pero di ako mahilig mag selfie. Mga post ko sa IG ko puro nature at ibang taong ginawan ko ng kwento base sa makuhang picture ko. Madami akong kaibigan pero wala akong matalik na kaibigan. Lahat kaibigan ang tingin sa akin at ganun din ako sa kanila. Masaya kayang madaming friends kahit di mo matawag na bestfriend and importante may kaibigan ka. Mahirap ang walang kaibigan. Kaya nga may kasabihang "No man is an island." Bawat isa sa atin need ang isang kaibigan di man ganun ka tight ang relationship as long as nagkakaintindihan. Sabay kaming lumabas sa locker room at nagpatuloy sa bawat gawain namin. Tumuloy ako sa pag pupunas ng mga table habang sya naman ay sa counter. Casher sya dahil accountancy ang course niya. Di ito ang nature ng course ko pero kasi ang nagpapasok sa akin dito ay aang landlady ng apartment ko. Ang bait nila sa akin. Kung sabay aside sa ate ko wala na akong maisip na taong may sama ng loob sa akin. Maybe di ko lang alam, but I don't give a damn kung if ever may taong ayaw sa akin. "Hello Genesis!" napaangat ako ng tingin sa pagpupunas ng mesa sa babaeng masayang bumati sa akin. Ngumiti ako sa kanya pabalik. Tinapos ko kaagad ang pagpunas ko at pinuntahan sya para kunin ang order nito. "Tamang tama lagi ang out ko from office dahil andito ka na." aniya sa akin. Tumawa lang ako. "Anong order mo? Ganun pa din? Di ka ba nagsasawa sa cookies at frapp?" natatawang sabi ko sa kanya dahilan ng pagpout nito. Para syang bata pero mas matanda pa sya sa akin ng ilang taon. Office girl na nga eh. "Bakit may bago ba kayo?" tanong niya. "Madami. Bakit di mo itry ang bagong cake namin. May bago kaming flavor, durian flavor fresh from Davao." ngiti ko sa kanya. Bumilog naman ang bibig niya sabay tango-tango lamang sya. "Sige na nga. Gusto kong subukan pero pag di ko magustuhan, libre nalang hah." tukso nito sa akin pero nginisian ko lang sya. "I assure you, you will love it. Wait lang I'll get you some." kindat ko at pumihit na ako paalis at sa di inaasahang pagkakataon mabangga ako sa isang tao. Oo tao dahil malaking bulto. Nauntog pa ako sa braso nito at amoy na amoy ko ang mabangong katawan nito. Muntik pa akong maout of balance buti nalang at mabilis pa kay the flash ang braso nitong pumulupot sa murang katawan ko. Napadilat ako ng mata at sinabulong ako ng naiiritang mukha ng isang napakagwapong nilalang na nakita ko sa buong buhay ko. Bigla niya akong inangat patayo at binitawan without a word. Para pa akong nalulula sa itsura niya. Sinundan ko ang lugar kung saan sya umupo. I swear, first time ko syang nakita dito sa loob ng cafè. "Who is he?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD