Chapter 1

989 Words
        "HOY! Bro, grabe ah. Kanina ka pa wala sa sarili mo. It's been two years since she left you. Why don't you try to move-on?         Napa buntong hininga siya dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya alam kung paano makakalimutan ang nag-iisang babaing minahal niya. Dahil maski siya, sa sarili niya ay hindi rin alam kung ano ang dapat gawin. Hindi niya talaga magawang limutin ito. Masakit sa kanya ang mga nangyari.         "Madali lang sabihin ang salitang move-on. Pero mahirap itong gawin." Lalo pa kung hanggang ngayon ay nakokonsinsiya parin siya. Wala man siyang alam sa nangyari at wala man siya nang nangyari ang trahedyang iyon. Still, siya parin ang pweding iturong suspik. But to his surprised walang nagsampa ng kaso o nagpa imbistiga man lang. Sa totoo lang ay wala din siyang masyadong alam sa dalaga. Even though she's his girlfriend that time."         Hindi ito naka-imik sa sagot niya. His friend knew what he mean. He can't move on not because he still love her. He can't move on because deep in his heart, He’s guilty and still blaming himself of what happened two years ago.         Alam niyang na-e-intindihan nito ang nararamdaman niya. He is his closes friend. Lagi itong andiyan every time that he need an advice. Para na niya itong kapatid dahil alam nito lahat ng mga pangyayari sa buhay niya at ganon din siya sa rito. Sa katunayan ay mas mag kasundo pa sila keysa sa kaisa-isa niyang panganay na kapatid. Wala itong ginawang matino sa buhay, mas pinagtutuonan nito ng pansin ang pag lalakwatsa, pagsusugal at barkada.         Hindi nakapagtataka na sa kanya ihinabilin ng mga yumao nilang magulang ang lahat ng negosyo ng pamilya. Although he’s to young to handle all their business but he don't want to disappoint them.         "Kamusta na pala ang kapatid mo?" Kapagdaka 'y tanong nito.         "Still the same. Same old ways, nothing change." Kibit balikat na sagot niya.         Napa iling ito na tila sinasabing malala na ang sakit ng kapatid mo. Normal na sa kanya ang mga reaksiyon ng kahit na sino, lalo na pag ang kapatid niya ang usapan. He can say that he is the worse brother of all. He's a selfish kind of person. Wala itong paki-alam sa iba.         "Why don't we go in a bar? Para naman mabawasan yang mga isipin mo." Suhistiyon nito.         Napangiti na lang siya. "You know me very well dude. I never go to that kind of place. I prefer to drink alcohol alone in my mini bar than to mingle with those brats in that place." Baliwalang turan niya.         "Fine, kung di lang kita kaibigan ay baka pagkamalan kitang bakla." Natatawang bero nito.         "Gag*!" Natawa na lang siya habang naiiling dahil sa klase ng bero nito. •••••         KINABUKASAN ay maaga siyang nagising at nagtungo sa garage. Ilinabas ang isa sa mga sasakyan. Halos katatawag lang ng isa sa kanyang client. Kailangan niya itong puntahan para makausap.         Masyado pang maaga kaya wala pang gaanong tao at sasakyan sa kalasada. Good thing kasi makakapag patakbo siya ng mabilis. Malapit na siya sa palikong bahagi ng kalsada ng may babaing bigla na lang tumawid. Dahilan para mapa preno siya bigla.         Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig. Hindi niya alam kung nabunggo ba niya ang babae o nahimatay lang dahil sa gulat.         Dali-daling lumabas siya sa kanyang sasakyan at patakbong linapitan ang babae. He checked her state and pulse rate.         Naka hinga siya ng maluwang nang masigurong wala itong natamong pinsala. Agad niya itong pinangko at isinakay sa kotse.         Napa buntong hininga na lang siya. Hindi na matutuloy pa ang lakad niya.         Napatingin siya sa mukha ng babaing kamuntikan na niyang mabunggo. She haved a beautiful face. Maamo ang mukha nito. May magagandang kilay na parang iginuhit ng magaling na pintor. Mahahabang pilik-mata, katamtamang tangos ng ilong at manipis na labi. All in all, she's like an angel. A sleeping angel.         Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil sa kung ano anong pumapasok sa isipan.         He looked at her face again. Particularly on her lips. ‘What is the taste of those pinkish lips?’ Napa lunok siya sa isiping bigla na lang sumulpot sa kanyang ispan.         For two years he never feel this, the urge to kiss someone. This is not him. Kailan pa siya natotong pagnasaan ang isang babae? This is new.         Napa buga siya ng hangin after niyang maayos ang pagkakasandal nito sa may passenger set. Thened start the engine of his car and drive back to the mansion.         Madali lang silang nakarating sa mansion dahil di pa naman siya gaanong nakaka layo.         Sinalubong sila ni manang Rose pagkapasok na pagkapsok sa mansion habang buhat-buhat ang istrangherang babae na walang malay. Bakas ang pagtataka sa mukha ni manang Rose, pero hindi ito nagtanong pa.         "Manang, kunin po niyo yung susi ng guest room."         "Naku po sir, hindi pa po nalilinisan ang mga guest room." Ang wika ni manang Rose.         Saka lang niya naalalang hindi pa nga nalilinisan ang mga guest room.         "Tsk!"         Hindi na lang siya umimik at dumiretso na lang sa sariling silid.         Dahan dahan niya itong ihiniga sa kama. He’s afraid to wake her up or baka may masagi siyang masakit sa dalaga. Even though he already checked her. Hindi parin siya kampanti.         Muli'y napatitig siya sa maamo nitong mukha. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso.         'What is this?'         Ipinilig niya ang ulo para iwaksi ang kakaibang pakiramdam na nagsisimulang kumalat sa sistema niya.         Linapitan niya ang telepono para tawagan ang family doctor nila to check her.         After he call their family doctor, he decided to get out in the room and left her for a while. He need to call his client to cancel the meeting.To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD