Samantha’s POV
“May Nakapansin… Pero Hindi Siya”
Akala ko, sanay na ako.
Sanay na sa tahimik na sakit.
Sanay na sa mga tingin niya na dumadaan lang sa’kin, hindi tumitigil.
Sanay na sa hindi pagbanggit ng gabing ‘yon—
Sa hindi pagtatanong kung okay ba ako… kung nasasaktan ba ako.
Pero hindi pala.
Kasi kahit ilang araw na ang lumipas, tuwing kasama ko siya, ramdam ko pa rin ‘yung distansyang hindi naman nasusukat ng layo.
Mas malapit kami sa isa’t isa kaysa sa kahit kanino, pero parang ang layo-layo niya.
At habang siya, unti-unti nang bumabalik sa normal, ako naman… unti-unti nang nauubos.
Hanggang sa dumating si Elijah.
Bagong transferee. Tahimik. Matalino. Mapagmasid.
He wasn’t the type who liked attention. Pero ‘pag tumingin siya, parang kaya niyang basahin kung anong nilalaman ng utak mo.
Una ko siyang napansin nung pinasa ko ‘yung project namin sa Science. Nandun siya sa gilid ng classroom, nakatitig sa labas ng bintana. Mag-isa.
He turned to me, and for a second, our eyes met.
“Are you okay?” tanong niya bigla.
Napatingin ako sa kanya, kunot-noo. “Bakit mo natanong?”
“Wala lang,” sabay ngiti. “You smile a lot. But your eyes look tired.”
And that was the first time someone noticed something I didn’t even say out loud.
Sa mga sumunod na araw, nagkakabanggaan kami sa hallway, sa library, sa canteen. Minsan nagkakasabay pa kami umuwi.
And slowly, I realized—Elijah was gentle.
He asked if I’d eaten. He offered to carry my books. He waited for me to finish class, even if he didn’t have to.
At sa bawat pagkakataong ginagawa niya ‘yon, ramdam ko ‘yung contrast.
Ramdam ko kung paanong sa simpleng gestures niya…
Naalala ko kung gaano ako nakakalimutan ni Gavin.
One afternoon, habang naghihintay kami ng ulan tumila sa may gate ng school, Elijah glanced at me and asked,
“So… are you in love with him?”
Halos mahulog ‘yung payong ko. “What?”
He smiled, soft but serious. “Gavin. The way you look at him… it’s the kind of look that doesn’t lie.”
Tahimik ako.
Because he was right.
Pero hindi ko alam kung anong mas masakit—
Na alam niya…
O na kahit kailan, hindi ‘yon nakita ni Gavin.
That night, habang nakahiga ako, nakatitig sa kisame, isang tanong ang paulit-ulit sa isip ko:
If someone else can see me so clearly,
why can’t the person I love?