Samantha’s POV
“’Yung Umiikot Siya Sa Mundo Ko… Pero Hindi Ko Na Siya Ginagalaw.”
Mula nung huling brunch sa bahay, mas madalas ko na siyang makita.
Si Gavin.
Biglang lumalabas sa mga dinner ng pamilya.
Biglang sumusulpot sa mga event na dati naman niyang hindi pinapansin.
At kung minsan, bigla-bigla na lang siyang tumatawag — hindi para magtanong ng mahalaga, kundi para sabihin lang na, “Wala lang. Kamusta ka?”
At ako?
Humihinga nang malalim bago sumagot.
“Kaya naman.”
Palagi kong sinasabi ‘yon.
Kahit minsan, hindi pa rin ako buo.
Pero hindi na ako kagaya ng dati — ‘yung ako na agad tatakbo sa kanya, kahit ilang ulit pa niya akong saktan.
One Friday night, I was at a soft launch for a boutique café I helped design.
Lucas was there, smiling at me from across the room.
I was laughing at something he said when I felt the shift.
May pumasok.
At kahit hindi ko siya tiningnan, alam ko agad.
Gavin.
Nakita ko siya sa gilid ng paningin ko.
Nakasuot siya ng dark polo, hands in his pockets, trying to look composed — pero kita mo sa mata niya ‘yung gulo.
He didn’t approach me right away.
Hindi rin niya pinansin si Lucas.
Pero alam kong nakita niya kung paano ako ngumiti.
Later that night, habang nasa labas ako ng café, nagpapahangin, narinig ko ang mga hakbang sa likod ko.
“Samantha.”
Tumigil ako.
“Ang ganda ng event mo,” he said, standing beside me. “Kita ko ‘yung gawa mo sa loob. You really… found your space.”
Ngumiti ako. “Salamat.”
Tahimik.
Tapos, bigla niyang tinanong, “Si Lucas ba…?”
Hindi ko siya hinayaang tapusin.
“Kaibigan ko,” sagot ko agad. “Pero kahit ano pa kami… wala ka namang karapatan magtanong, di ba?”
Napatingin siya sa akin.
Mas matagal. Mas mabigat.
“Sam…”
Pero hindi ko na siya pinatapos.
“Alam mo, minsan iniisip ko… bakit ka biglang nandyan ulit? Dahil ba may ibang taong nakapaligid sa akin ngayon? O dahil ngayon mo lang napansin na wala na ako sa tabi mo?”
Hindi siya sumagot.
At sa katahimikang ‘yon, doon ko lalong naramdaman kung gaano katahimik ang pagmamahal niya — laging naroon lang kapag wala na akong lakas para hintayin.
Umalis akong hindi lumilingon.
Hindi dahil hindi ko na siya mahal.
Kundi dahil mahal ko pa rin ang sarili ko — at ‘yon ang kailangang piliin ngayon.