Chapter 14

1420 Words

Inilaan ko ang buong araw sa hardin. Kahit papaano ay nawala ang bigat ng saloobin ko sa pagharap sa mga tanim na halamang naroon. Kung hindi kumalam ang sikmura ko ay ‘di ko rin maaalalang hindi pa nga pala ako kumain. Pumasok ako sa loob ng bahay at saka dumiretso sa may kusina. Wala akong naabutang tao roon kaya nangalkal na lang ako ng maaaring kainin. Muli kong naalala ang unang beses nang pagpasok ko rito. Napangiti ako sa sariling isipan dahil ang sandaling iyon ay nakakatawa sa pagitan namin ni Calvin. Matapos niya akong makorner noon sa may gilid ng ref ay sinipa ko siya sa paa saka mabilis na iniwan. Mabuti na nga lang at hindi pa niya naalalang gumanti. Nakakita ako ng pagkain sa kaldero kung kaya ininit ko na lamang iyon at saka kinain. Hindi naman ako ang tipo ng tao n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD