“I'm sorry, Honey.” Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Calvin nang bigkasin ang mga salitang iyon. Nakahiga siya sa may kulay puting kama habang napupuno ang kaniyang katawan ng kung anu-anong mga tubo na nagmumula sa mga aparatong nakatayo sa kaniyang ulunan. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikitang anyo niya at tila ako pa nga ang labis na nagdurusa para sa kaniya. “Calvin...” Halos walang marinig na tinig na lumalabas mula sa aking bibig nang sambitin ang kaniyang pangalan dahil sa pinipigilan ko ang maiyak. Ngunit kahit anong pigil ko ay hindi ko na talaga mapigilan pa ang humagulgol lalo nang sabihin niyang muli ang kaniyang sinabi kani-kanina lamang. “I'm sorry, Honey.” Hindi ko alam kung bakit tinatawag niya ako sa ganoong endearment, pero sa may bahagi ng puso ko

