Gusto ko nang umalis mula rito sa loob ng conference room dahil sa ‘di naman ako maka-relate sa kanilang mga isyung pinag-uusapan. Kanina pa nakukulili ang mga tainga ko sa kanilang pagpapalitan ng mga salita at para lang silang mga nagra-rally na malalakas ang boses. Hindi ko masabing press conference ang nangyayari dahil walang mga camera na nagpa-flash at wala rin namang mga reporter na makukulit. Isa lang yata itong conference para sa kumpanya kung saan lahat ng board of trustees at mahahalagang taong bahagi ng kumpanya ay imbitado. “How can you handle our company if you are busy handling some other matters, Mr. Villaforte?” Mula sa paglalaro ng mga daliri ko sa kamay sa mesa ay napaangat ang tingin ko sa matandang lalaking nagtanong kay Calvin. Lihim akong napalunok sa akin

