Warning: This chapter contains of strong language and not for young readers. You can skip of this chapter if you want. "Ano ba Ice. Hanggang kailan ka ba maglalasing ng ganito." Sermon ni Meriam kay Miguel. Mula ng inanounce ang kanilang enggagement ay tumitira na sila sa iisang bahay. Gustuhin man nila o hindi ang nangyayari wala na silang mamagawa pang dalawa. Tinanggihan nila ang kasalan dahil ayaw ni Meriam sa lalaking hindi niya masyado pang kilala kaya ang naging solusyon at tumira sa iisang bahay at magsama bilang mag asawa. Mula ng hindi nakikita ni Miguel si Aira ay nagpapakalasing ito, pumapasok siya sa opisina ng apat na oras at tinatapos ang lahat ng trabaho tapos pupunta sa barr na pagaari ng dating kasintahan. Doon ay iniinom niya lahat ng makakaya niya at kaliwa't ka

