Chapter 18 Lumabas kami ni Raven at pumunta sa Bar na pagmamay-ari naming. Kung dati hilig naming umupo at pakinggan lang ang ingay ng kapaligiran ngunit ngayon gusto ko magpakalasing. Gusto ko subukan ang malasing ng todo at makalimutan lahat ng bagay na tumakbo sa isip ko. May sinama si Raven na babae at kasama naming ngayon sa table. Ganyan talaga ang tipo ni Raven- hindi kalakihang babae, syempre maganda at maputi higit sa lahat makulit. Puro sila landian sa harapan ko kaya mas lalo akong nainis. Alam naman nilang broken ako tapos maglalampungan sila sa harapan ko. Letse. Uminom na lang ako hanggang maubos ko ang isang bote at humingi pa ng isa pa sa waiter, hindi naman ako pinipigilan ng dalawa dahil abala sila sa isa’t isa. Kulang na lang maghubad sila sa harapan ko. Naghahawakan

