"Leanelle! Ano ba? Napaka kupad mo talagang babae ka!Nasaan na ba ang juice na pinapatimpla ko sa'yo? Matagal pa ba? Dalian mo na!" sigaw sa kanya ng kanyang babae ng amo na si Gwen. Beinte anyos pa lamang ito samantalang siya ay beinte otso anyos na .
" Nandito na po ,Senyorita! " Binilisan niya ang kanyang pagkilos nang marinig ang malakas na bulyaw nito. Ayaw niyang magalit sa kanya ang kanyang amo , mahirap na't baka saktan na naman siya nito.Madalas pa naman siyang makatanggap ng sampal at bugbig rito.
"Tandaan mo ito ,kahit na habambuhay ka pang magtatrabaho sa amin ay di mo pa mababayaran ang utang ng mga magulang mo! "
Paano ba naman niya makakalimutan iyon ? Araw araw naman ay pinapaalala nito sa kanya ang malaking utang ng mga magulang niya sa pamilya nito.
Sampung taon na kasi ang nakakaraan nang magkaroon ng cancer ang kanyang Mama at lahat ay ginawa nila upang maisalba ang buhay nito.
Kaya naman milyones ang naging utang nila kina Gwen kung saan nagtatrabaho ang ama niya bilang manager ng isa sa mga lending office ng mga ito pero namatay pa rin ang mama niya .
At pagkalipas lang din ng isang taon ay namatay sa depression ang tatay niya at naiwan silang ulila.May dalawa siyang kapatid na mga bata pa sina Neneng at Dodong .
Kahit siya ay nais nang sumuko dati dahil sa pagkamatay ng mga magulang nila pero isinilang niya si Red,ang anak niya na ngayon ay sampung taon gulang na at nasa grade five na sa isang pampublikong paaralan sa probinsya.
Nang mamatay ang mga magulang at nabaon sila sa utang ay kinailangan niyang magtrabaho sa mansion nina Gwen. May dalawang nakakatandang kapatid na lalake si Gwen na di pa niya nakikita dahil nasa abroad ang mga ito naninirahan.
Ang mga kapatid naman niya at ang kanyang anak ay sa ibang probinsya nag-aral at kinupkop ng kanyang tiyahin na kapatid ng kanyang ama.
Totoo ang sinabi ni Gwen na kahit habang buhay pa siya magtatrabaho ay di niya mababayaran ang utang na sa pamilya nito.
Pero mabait naman ang Mama ni Gwen dahil binibigyan siya ng limang libong allowance kada buwan na pinapadala naman niya sa kanyang anak sa probinsya .
Ang mga kapatid niya ay nasa kolehiyo pa at pinapaaral ng kanyang tiyahin.Mabuti na lamang ay may pamilya pa silang nagmamalasakit sa kanilang magkapatid.
"Ano ba'to? Papatayin mo na ko Leanelle? Napakatamis nitong juice mo! Tssk,wala ka talagang silbi ! " sigaw nito nang natikman ang juice na tinimpla niya.
"S-Sorry po Senyorita!"
"Sorry? Hmmpp!" anito at malakas na isinaboy ang juice sa kanyang mukha.
Napatili siya dahil napakalamig ng juice at may mga halo pang icecubes .
"Ayan! Di ba matamis? Bumalik ka sa kusina at magtimpla ka ulit ng juice !" Singhal nito sa kanya.
Palagi siya nitong tinatrato ng di maganda kahit na wala naman siyang ginagawa rito.Lahat naman ng inuutos nito ay sinusunod niya at ginagawa naman niya ng maayos ang kanyang trabaho para di siya mapapagalitan pero palagi na lamang siya nitong pinakikitaan ng mali kahit na ginawa naman niya ang best niya para mapasaya ito.
"Napakabagal! Hala dalian mo!"
Mabilis siyang bumalik sa kusina upang ipagtimpla ulit si Gwen ng juice.
"Nelle," Tawag sa kanya ni Along Rosa ang kusinera nina Gwen.Parang nanay na rin ang turing niya rito. "Habaan mo lang ang pasensya mo anak!"
Tinuyo niya ang kanyang luha sa mga mata. Ang kanyang uniporme ay nanilaw na dahil sa sinaboy nitong juice.
"Opo Nay Rosa natatandaan ko po! Kailangan ko pong intindihin si Gwen dahil napakalaki po ng utang namin sa kanila."
Ipinagdadasal na lamang niya na kahit ang anak na lamang niya ang magkaroon ng magandang buhay.
"Heto na po Senyorita!" sambit niya kay Gwen . Kasalukuyan itong nagseselfon at may ka-videocall.
"Hmm, I really miss you honey! I can't wait to see you my handsome daddy! I love you so much!"
Inilapag niya ang juice nito sa mesita at nagpaalam na rito.
"Sige I got to go now! " dinig niyang sambit ng lalakeng kausap nito.
Kinagabihan ay alas dies na siya nakapagpahinga dahil Marami pang utos si Gwen sa kanya.
Kapag nasa mansion ito ay siya na lamang palagi ang nakikita kaya ubos ang lakas niya dahil panay utos nito.Parang ayaw siya nitong makitang nakaupo o nagpapahinga.
May maliit siyang kwarto sa mansion.May maliit na kama lamang sa loob. Ang kanyang mga damit ay nasa loob lamang ng karton .
Hinubad niya ang kanyang damit upang palitan ito ng pantulog.
Mas pumuti siya sa ilang taon niyang pagtatrabaho sa mansion.Palagi lamang kasi siya sa loob at bihira lamang kung lumabas.
Hindi naman niya palaging ginagamit ang kanyang day-off dahil wala naman siyang pera panggastos sa pamamasyal.
Minsan ay sina Along Rosa at ang Baklang si Betty na hardinero ng mansion ang na lilibre sa kanya kaya nakakalaba siya paminsan minsan.
She's s twenty six years old now ,mas lumiit ang kanyang katawan sa pagtatrabaho bilang katulong pero ang sabi ng Baklang kaibigan niyang si Betty ay napakaseksi at mas gumanda raw siya.Blooming raw palagi ang awrahan niya dahil napakakinis ng kanyang balat.
"Mas maganda ka pa at seksi kaysa kay Gwen my dear kaya insecure yun sa'yo! Mas mukha ka pa kasing amo kaysa sa bruhang yon!"
Natatawa siya sa tuwing iisipin ang palaging sinasabi ni Betty sa kanya
kapag nakikita siya nitong palaging malungkot dahil sa pananalbahe ni Gwen .
"Sagutin mo na lang si Albie," palagi rin siyang tinutkso ni Betty Kay Albie ang driver nina Gwen.
Bata pa ito at hindi mukhang driver.Mas mukha itong modelo dahil malaki ang pangangatawan at may itsura rin pero ayaw niya .Ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng relasyon sa ibang lalake.
Hanggang ngayon kasi ang iisa lamang ang nasa puso niya.Si Onyx Geller ,ang lalakeng sinaktan niya dahil sa labis na pagmamahal rito.
Wala na siyang balita kay Onyx.Wala rin naman siyang cellphone at palagi siyang busy sa trabaho .
Pero palagi niyang iniisip ang dating nobyo.Siguradong nakamit na nito ngayon ang tagumpay.
Bawat gabi ay ang nakangiti nitong mukha ang nakikita niya .Sampung taon na ang lumipas ngunit ang puso niya ay ito pa rin ang isinisigaw.
"ONYX,kumusta ka na kaya?" Parang siyang baliw habang kinakausap ang litrato nilang dalawa na kinuha pa sa isang studio .
Nakaupo si Onyx na nakangiti sa camera habang siya naman ay nakatayo at nakaakbay sa likod nito habang ang magkabilang kamay ay nakapulupot sa leeg nito.
Napakasaya nila sa litratong 'yon sampung taon na ang nakalipas.
"Bawat araw ay mas minamahal kita Onyx.Patawarin mo ako kung di ko sinabi sa'yo ang tungkol sa anak natin!"
Naalala niya ang tiyahin nito dati.Harap harapang sinabing hindi siya welcome sa pamilya Geller at nagbanta pa itong ipapahamak ang kayang mga kapatid .
Paulit ulit niyang hinalikan ang larawan nila ni Onyx. Napakagwapo talaga nito at napakalambing rin sa kanya.
Namimiss niya ang mga bulaklak na palagi nitong sinusorpresa sa kanya kaya ngayon sa bakuran ng mansion ay may tinanim siyang iba't ibang kulay ng mga Rosas at bulaklaking bulaklak dahil naalala niya si Onyx kapag nakikita niya ang mga bulaklak .
Niyakap niya ang larawan habang tumutulo ang masaganang luha sa kanyang pisngi.
"You are my lost Valentine, Onyx !"
Alam niya at ramdam niya ang level ng galit nito sa kanya.Sinaktan niya ang damdamin nito at narinig pa nito ang mga salitang napakasakit pakinggan lalo na kapag tunay mong minamahal ang isang tao.