Twenty-three Carla... Hindi siya makatingin sa mga mata ni Jake habang nakatitig ito sa kanya. Nakakahiya ang daming pwedeng tagpo ang makita siya nito bakit pa iyong inaamoy niya ang damit nito. sobrang nakakahiya talaga, kilala pa naman niyang alaskador si Jake, kaya alam niya bumubwelo lang ito ngayon. "My loves"tawag sa kanya nito. "Si Ate mukhang tanga kuya Jake"susug pa ng kapatid niya. Sinamaan niya ng tingin si CJ ng sabihin nito iyon. Kainis itong bata na ito siya ang kapatid pero siya pala ang binubully. "Pwede ba CJ, paanong mukhan tanga inaamoy ko lang kung madumi ang damit na ito o hindi"palusot niya. Pero alam niyang hindi iyon lulusot sa pandinig ni Jake. "Pero kasi my loves, di ba nga ikaw nagturo sakin na ilagay sa laundry basket iyong maruruming dami. Di ba laund

