"GOOD MORNING, SIR LIAM." Nakangiting bati ni Jas sa boss niya na pinaglihi yata sa pagiging seryuso.
Nagkamali siya ng akala sa lalaki na kagaya ito ng dati niyang mga boss dahil sa loob ng dalawang linggo niyang pagtatrabaho bilang sekretarya nito ay wala ng ginagawa ang lalaking ito kung hindi magtrabaho. The right definition for Liam Tolentino is workaholic boss. Bilang lang sa kanyang mga daliri ang nakita itong umalis ng maaga sa office. Wala tuloy siyang magawa kung hindi mag-over time din kagaya nito.
Madalas kasi ay may pinapagawa pa ito sa kanya kaya napipilitan tuloy siyang samahan ito. Well, mas na uuna pa rin naman siyang umaalis dito. At mas maaga naman siyang pumapasok. Kaya sa loob ng dalawang linggo ay alam na niya kung anong routine ng lalaki. Pati na rin ang mga nais nito ay agad niyang napag-aralan. Liam is easy to read and work with.
"Good morning, Ms. Mercado. Please, move my lunch meeting next week. May importante akong lakad ngayong araw," anito.
Nasa loob siya ng opisina nito. Inilapag niya ang hawak na kape. Kinuha niya ang kanyang notepad at tiningnan ang schedule nito. Meron nga itong lunch meeting kasama ang isang potential investor ng Aristrocrat. Hindi iyon pwedeng isang tabi dahil minsan lang nasa bansa si Mr. Kasimoto. Isang Japanese business man na siyang makakatulong sa telecommunation company ng Aristrocat. Ang alam niya ay ilang beses itong niligawan ni Liam na makipag-usap dito.
Tumikhim siya. "Sir Tolentino, si Mr. Kasimoto po ang kameeting niyo mamayang lunch. Are you sure na ililipat ko siya next week?'
Tumigil si Liam sa ginawa nitong pagtingin sa laptop. Nagtaas ito ng tingin at sinalubong ang kanyang mga mata. Napatayo naman siya ng tuwid at pinakatitigan ang binata. Sa loob ng dalawang linggo ay nasanay na siya sa malamig na titig ng lalaking ito. Hindi na bago sa kanya kaya naman nasanay na rin ang kanyang puso. Walang emosyong mukha ang ibinigay niya sa big boss.
"I don't care if it's Mr. Kasimoto. Just move that meeting. Kung mag-decline siya, it's not our lose. May iba pang potential investor para sa kompanya ko."
Mukhang nakuha agad nito ang nais niyang sabihin kaya siya nagtanong. Tumungo siya bilang pagsang-ayon. Ito ang boss kaya wala siyang magagawa. Kompanya naman nila ito. Isa lang naman siyang empleyada. Nasa big boss pa rin ang desisyon. Huminga siya ng malalim.
"Okay, Sir. I will call Mr. Kasimoto secretary and tell him about this. Is there anything you need from me, Sir?"
"For now, I don't have one. Please tell, Mr. Kasimoto secretary that I have an important matter to attend to. It's a family affair that I can't miss." Ibinalik na ni Liam ang tingin sa laptop.
"Okay." Yumuko siya at tinalikuran na ito.
'This is always happened in my every morning. Nakakasama din pala ang boss na sobrang seryuso.' Nasabi ni Jas sa isipan.
Sa lahat ng napasukan niyang kompanya bilang sekretarya ay kay Liam lang yata siya nakakita ng pagka-professional. Tama nga ang sabi-sabi sa opisinang iyon. Liam don't involve himself in pressure. Work is work. Hindi din ito basta pumapatol sa isang sekretarya. Wala pang nababalita na may naging karelasyon ang boss nila sa loob ng opisinang iyon. At lahat ng empleyado na nagtangkang akitin ito ay pinapa-alis o umaalis na lang bigla.
Liam is very stirck when it comes to the company rules. Bawal magkaroon ng relasyon sa loob ng opisina. Hindi pwedeng haluan ng kahit anong relasyon ang trabaho. Masyado daw mahigpit sa ganoong batas ang big boss nila. At dahil ito ang nagpatupad ng batas na iyon ay ito ang higit na sumusunod.
Well, kung siya naman ang tatanungin. Paano siya magkakagusto sa isang lalaking katulad ni Liam na puro trabaho ang inuuna? Kawawa ang magiging kasintahan ng lalaki dahil hindi mabibigyan ng oras. Sila pa namang babae ay nais laging bigyan ng atensyon ng lalaki. Nilalaanan ng kahit isang sandaling oras ay sapat na. Hindi naman siya na iiba sa mga babae. If ever she have a boyfriend, she wants him to always send her a message in morning and before he go to sleep.
Iba pa rin kasi kapag naalala ka ng kasintahan pagkagising at bago ito matulog. Ibig sabihin kasi noon ay ikaw ang unang at huling taong na-isip nito. And that's love. She is a romantic person even she is acting like a strong woman. Marunong din naman siyang kiligin kagaya ng ibang babae.
Abala si Jas sa ginagawa ng biglang may naglapag ng kung ano sa table niya. Nagtaas siya ng tingin at nakita niya ang bunsong kapatid ng big boss nila.
"Good morning, Sir Tolentino." Magalang niyang bati.
"Hi, secretary Sarah. Nasa loob na si Kuya?" Isang magandang ngiti ang binigay sa kanya ng lalaki.
Lahat ng magkapatid na Tolentino ay nakilala na niya kahit ang sikat na si Lj ay nakadaupang palad na rin niya. At isa lang ang masasabi niya, napakagwapo ng mga ito. Halatang galing sa iba't-ibang lahi ang magkakapatid. Well, nakita na niya ang mga ito sa isang bar pero iba pa rin pala kapag sa malapitan at maliwanag. Napapatulala na lang siya sa kagwapuhan ng mga ito. Pero kung may mas gwapo sa mga ito ay masasabi niyang si Liam na iyon. Kahit na hindi marunong ngumiti ang boss niya ay talagang iba ang hatak ng mukha nito.
"Yes, he is inside. Busy ang big boss." Pabirong wika niya.
"I know." Inilapit ni Nj ang mukha at pabulong na sinabi iyon.
Napangiti siya dahil sa ginawa nito. Si Nj ang pinakamabait para sa kanya sa magkakapatid. Maluko ito pero mabait naman. Mabilis niyang nakagaanan ng loob ang kapatid na ito ni Liam. Lagi kasing nakangiti. Hindi din mahirap ka-usap dahil talagang sasagutin ang mga tanong mo.
"So, okay lang ba na pumasok ako? Hindi ba ako babatuhin ng nameplate niya?" may pabirong tanong nito.
"I will call him para sigurado tayo." Itinaas niya ang telepono pero bago pa siya makapag-dial ay may nagsalita na mula sa likuran niya.
"No need. Papasukin mo na lang sa loob ang kapatid ko."
Sabay silang napatingin sa nagsalita. Nakatayo sa pinto ng opisina nito si Sir Liam at malamig ang mga mata na nakatingin sa kanila. Hindi napigilan ni Jas na mapalunok. Bakit biglang nagtaasan ang balahibo niya?
"See you later, secretary Sarah." Inilampasan na siya ni Nj para pumasok sa opisina ng big boss.
Na-iwan siya doon na sinusundan ng tingin ang magkapatid. Bakit pati boto niya ay nanlalamig dahil sa tingin na iyon ng boss niya? Bakit bigla itong nagkaganoon? Hindi naman ito ganoon kapag si Sir Zj or Sir Hj ang ka-usap niya.
"COLD STARE? KAILAN KO BA IYAN HULING NAKITA, KUYA LIAM?" Pabirong tanong ni Nj.
Huminga ng malalim si Liam at inilapag ang hawak na folder sa kanyang mesa. Lumikha iyon ng malakas na ingay. Magkadikit ang kanyang mga labi na hinarap ang kapatid.
"Nj, ilang beses na kitang sinabihan. Stop being flirty to any woman. Hindi mo alam kung saan ka pupulutin ng pagiging babaero mo." Sigaw niya sa kapatid.
"Wow... wow... Calm down, Kuya. Flirting with someone? Sinasabi mo bang nakikipaglandian ako sa sekretarya mo?" Natatawang tanong ng kanyang kapatid.
"Hindi ba? You are flirting with her. Kitang-kita ng mga mata ko ang ginawa mong pagbulong sa tainga niya."
Isang malakas na tawa ang ginawa ng kanyang kapatid. Lalong uminit ang ulo niya sa ginawa nito. Ikinuyom niya ang isang kamay para pigilan ang sarili na masuntok ang kapatid. Hindi pa rin kasi tamang gawin niya iyon kahit pa napipikon na siya sa ginagawa nito.
"Walang nakakatawa sa sinabi ko Niall Joshua Ashley Tolentino."
Bigla naman tumigil sa pagtawa si Nj ng banggitin niya ang buong pangalan nito. Alam nitong seryuso na siya at anumang oras ay maaring pumutok. Tumikhim ang kapatid at lumapit sa kanya.
"Kuya Liam, hindi ako nakikipaglandian kay Sarah. At kahit na landiin ko siya, alam kung hindi niya ako papatulan. Ilang beses akong nagtangkang landiin siya na wala ka sa harapan namin pero sa tuwina ay wala siyang reaksyon. Para bang wala lang sa kanya na may isang gwapong tulad ko na tipo siya." Umupo sa sofa ang kapatid.
"Pakiramdam ko nga nakakatandang kuya o kaibigan lang talaga ng turing niya ako. At minsan ay kapatid ng boss niya. She is very professional, Kuya. Kaya wag ka ng magalit at magkaganyan. Your secretary set the boundaries. You have nothing to worry." Dagdag na wika ni Nj.
Binigyan niya ito ng masamang tingin na siyang ikinangiti lang nito. Na-iinis siya sa kapatid pero may munting kasiyahan siyang nadarama dahil sa narinig.
"Alam mo, Kuya. May katulad na tao si Sarah." Muling tumayo si Nj at nilapitan siya. "Ngayon ko lang napagtanto. You and Sarah are very the same."
"What?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Yes. Pareho kayong malamig na tao. Bagay kayong dalawa. Bakit kaya hindi na lang ikaw ang manligaw sa kanya, Kuya?"
Uminit muli ang ulo ni Liam sa narinig. Mabilis niyang nabatukan ang kapatid dahil malapit ang ulo nito sa kanya. "Umayos ka, Nj. Iyang kalukuhan mo ang siyang ikakapahamak mo."
Hinawakan ng kapatid ang nasaktang batok. Sumimangot ito at muling bumalik sa pagkaka-upo sa sofa.
"Ano palang ginagawa mo dito? Wala ka bang recording ngayon?"
"Hay!! Nandito ako para sunduin ka. Ngayon tayo pupunta sa bahay ampunan, di ba? Nagpadala ng mensahe si Zj at Hj, hindi na sila pupunta doon pagkatapos ng morning meeting nila. Kaya siguradong nandoon na ang mga ito or papunta na."
Napatingin siya sa kapatid. Oo nga pala. Kaya nga pala niya pinalipat kay Sarah ang meeting niya dahil may lakad siya buong maghapon. Kagabi lang sinabi ng kanyang magulang ang planong iyon. At kahit na biglaan ay kailangan nilang sundin ang mga magulang. Lahat silang magkapatid ay sasama sa gagawing programa.
"Okay! Alis na ba tayo?" Kinuha niya ang phone na nakapatong sa mesa. Wala siyang ibang dadalhin kung hindi iyon.
Pagkatapos kasi ng event ay babalik siya para balikan ang trabaho. Marami pa kasi siyang papeles na babasahin. May mga meeting siya kinabukasan na dapat paghandaan. May ilang project siya na dapat din pag-aralan. Being the CEO of the company, he have a lot of task.
"Yap. Alis na tayo dahil ayaw kong ma-ipit sa traffic." Tumayo na ang kapatid pero biglang huminto.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya dito.
"Isama natin si Sarah." It's not a question but a statement.
"No!" mariin niyang sabi. It's a family affair. Bakit niya isasama ang kanyang sekretarya?
"Oh no! I'm not asking your permission. At saka, wala naman siyang gagawin dito dahil aalis ang boss niya. Mas mabuting isama natin siya para matulungan niya tayo sa mga bata."
Bago pa siya makapagsalita ay mabilis ng lumabas ang kapatid ng kanyang opisina. Hinabol naman niya ito. Nakita niya itong nasa harap ni Sarah. Mukhang niyaya na nito ang dalaga. Nang makalapit siya ay napatingin sa kanya ang babae.
"Sir Tolentino, should I come?" tanong nito.
Pinakatitigan niya ang babae. Natigilan siya. Dapat ba siyang pumayag? Napatingin siya sa kapatid. May panunukso sa labi nito. Alam niya ang ibig sabihin nito. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya.
"You can come if you want. At kung wala ka nang ginagawa dito."
"Oh ayan. Pumayag si Kuya. Kaya dapat kang sumama. Kunin mo na bag mo. I drive." Masiglang wika ni Nj.
Nang hawakan ni Sarah ang bag nito ay mabilis itong hinila ng kapatid palabas ng building. Nakasunod naman siya sa mga ito. Hindi niya alam kung kailan ba nagsimulang maging malapit ang dalawang ito pero hindi niya iyon nagugustuhan. Alam niya kasi kung anong klasing tao ang nakakabatang kapatid.
Nang marating nila ang parking lot at sinabayan niya sa paglalakad ang kapatid. Hinawakan niya ang braso ni Sarah na siyang ikinatigil nito sa paglalakad. Nagtatakang napatinging ito sa kanya.
"Sa akin ka sasabay." Deklara niya at hinila na ito.
Narinig pa niyang sumigaw ang kapatid na si Nj ngunit di na niya pinansin pa. Wala siyang balak magmaneho papunta sa bahay amponan pero nagbago ang isip niya. Iyong idea na sasabay si Sarah sa kapatid ay hindi niya nagustuhan. May kung anong tumututol sa loob niya.
Pinagbuksan niya ng pinto si Sarah bago umikot para naman sumakay. Nang tumingin siya sa babae ay sinusuot na nito ang seatbelt.
"I'm sorry if I suddenly drag you in my car. Ayaw ko lang na may isipin si Mommy na pinababayaan kita. You still my secretary. At responsibilidad kita. Kaya dapat lang na ako ang kasama mo papunta doon." Paliwanag niya.
"Okay," anito at tumingin sa labas.
Muli siyang napatingin sa babae. Napakaseryuso nito at baliwala lang dito ang mga sinabi niya. Hindi gaanon ang reaksyon ng mga babaeng nakakasalamuha niya. They always think if he starts touching them it has a meaning for them. Kaya nga minsan ay umiiwas siya sa mga babaeng ganoon mag-isip. Ngunit ibang-iba si Sarah sa mga babeng iyon. Wala itong paki-alam kahit na hinawakan niya ito. Ramdam niya mula dito na talagang boss lang ang turing sa kanya. Na talagang may limitasyon ang relasyon nila.
Napansin din niya na hindi si Sarah ang tipo ng taong nagpapaganda para mapansin ng boss. Napakapormal nitong manuot. Iyong talagang gagalangin mo. Kahit na sa pagbibigay ng documento at schedule niya ay laging may distansya. Kaya di nakapagtataka na hindi ito mapansin ng kapatid na si Nj. Nakaka-agaw pansin kasi talaga si Sarah.
Wala din siyang masabi sa uri ng pagtatrabaho nito. Madalas ay nag-overtime ito para lang matapos ang lahat ng kailangan tapusin. Mabilis din itong matuto kaya hindi siya nahirapan sa dalaga. Sarah is the definition of beauty with brain. May class din ang babae pagdating sa mga outside meeting nila. Pansin na pansin niya sa mga galaw ng kamay at kilos nito. Maaring mapagkamalang anak mayaman si Sarah pero alam naman niyang galing lang ito sa mahirap na pamilya.
"Boss, sa daan ka tumingin. Mahal ko pa buhay ko at ayaw ko pang mawala sa mundo ng hindi na kilala ang tamang lalaki para sa akin."
Napakurap siya ng marinig ang sinabing iyon ni Jasmine. Inalis niya ang mga mata sa dalaga at nag-focus na lang sa pagmamaneho. Nahuli pala siya nitong nakatingin dito. Pansin-pansin pala talaga ang ginawa niyang pagsulyap at patingin dito.
"I thought you already have a boyfriend. Kung tama ang pagkaka-alala ko. Sinabi mo during interview na may kasintahan ka na at ikakasal na kayo." Bigla niyang na alala iyon.
Nakita niyang nagulat si Sarah sa tanong niyang iyon. "Ahmm... Naghiwalay na kami."
Tumaas lang ang kilay niya. Hindi na siya nagsalita pa at ganoon din ang dalaga. Hindi na siya umimik dahil may kung anong damdamin na umusbong sa loob niya. Damdamin na hindi niya mapangalanan. Walang muling nagsalita sa kanila ni Sarah hanggang sa marating nila ang bahay ampuan. Agad siyang lumapit sa ina ng makita ito sa labas kasama ng mga bata. Masaya siyang sinalubong ng ina ng yakap. Nandoon na rin pala ang iba niyang kapatid. Nakita niya ang mga ito na nakikipagkulitan sa mga bata.
"Kamusta ang byahe? Wala bang traffic, anak?" malambing na tanong ng ina.
Here Mommy Carminla Armanda Tolentino is the sweetest and kind person he ever meets. Wala siya sa kinalalagyan ngayon kung hindi dahil sa mga magulang. Ang mga ito ang nagbigay ng maayos na buhay sa kanila. At pahanggang ngayon ay hindi ito nagbabago. Patuloy pa rin ito sa pagtulong sa mga bata na siyang ipagpapatuloy nila. Dadalhin nila ang aral na itinuro ng mga ito sa kanilang magkakapatid.
"Wala naman pong traffic, Mommy. Where's Dad?" tanong niya at hinanap ang ama.
"Your Dad is inside. Medyo nahilo lang siya pero agad naman na tiningnan ng kapatid mong si Zj."
"Owww! What happen to Dad?" May pag-alalang tanong niya.
"Don't worry. Nahilo lang siya dahil sa maraming mga batang lumapit sa kanya. Alam mo naman ang ama mo. Nahihilo kapag maraming naamoy na kung ano-ano. Iba-iba ang amoy ng mga bata, isama mo pa ang mga nakahain na pagkain."
Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. "Okay. I check Dad inside," aniya.
Hindi na niya pinansin ang pagtawag ng ina sa kanya. Ngayon ay nais lang niya malaman kung maayos ba ang kalagayan ng ama. Matanda na kasi ito at nahihirapan ng gumalaw pero madalas pa rin sa mga ganitong programa. His parents love to do charity work. Mostly, they help houses like this. Wala siyang masabi doon at hindi niya mapagsabihan ang mga magulang. Maaring dahil sa kadahilanan na doon silang magkakapatid nang galing.
Nakita niya ang ama na kasama ni Zj. Mukhang ito ang nag-aasikaso sa ama dahil abala ang ina sa labas. Knowing, his dad. He pushes Mom away to facilitate everything. Hindi naman siya nagtagal doon dahil nandoon naman si Zj. At saka tinutulak siya ng ama na lumabas at makipaghalubilo sa mga bata. Kaya naman ng lumabas siya ay na-iwan si Nj at Zj. Ang bunso nila ay agad din kasing sumugod doon. Binalita din yata ng ina ang nangyari sa ama.
Nang lumabas si Liam mula sa loob ng bahay ampunan ay agad niyang iniikot ang paningin sa paligid. Abala ang mga tao. May ilang nasa pagkain. Iba ay naglalaro sa may play ground. Ngunit himinto ang mga mata ni Liam ng makita si Sarah na nakikipaghabulan sa mga bata.
Tumatawa ang dalaga. Hinahabol ito ng isang bata. Dahil nakalugay ang buhok nito ay talagang napapasunod ang buhok nito sa bawat galaw ng ginagawa. Hindi mapigilan ni Liam na mapatulala sa nakita. Sarah is so beautiful when she laughs. Napasandal si Liam sa pader at pinagmasdang mabuti ang kanyang sekretarya. Walang arte ito kung tumakbo. Hindi maitago ang saya sa mukha ng babae at iyon ang talagang nang hihila sa kanya na titigan ito.
Liam can't help it but to smile. He like what he saw. Napakasarap pagmasdan ng ngiti sa mga labi ni Sarah. It's so beautiful. Hindi yata siya magsasawang makita iyon. Ngunit alam niyang ngayong araw lang niya makikita iyon dahil si Sarah ang tipo ng babae na hindi basta-basta tumatawa ng ganoon sa oras ng trabaho. She is a very serious type of woman.
Sa unang pagkakataon mula ng pumasok sa kanyang kompanya si Sarah ngayon niya lang nakita ang ngiting iyon sa dalaga.
"Is it she beautiful, Liam?"