CHRISTINA "Ikaw, baby Asher ha. Ang sarap ng pasalubong mo sa akin ha. Ang bango-bango pa, " sarkastiko kong sabi sa aking pamangkin habang pinapahiran ang kanyang pwet ng wipe cloth dahil nagpopo ito sa kanyang diaper kaya nagising siya. Tuwang tuwa naman ang pamangkin ko habang pinapadyak ang kanyang mga paa sa ere. Mabuti na lang hindi ako madirihing tao dahil kung oo, mangiyak ngiyak ako sa bango ng popo niya. Buti binuksan ko agad ang bintana ng nursery room bago siya dinala sa changing table para linisan at palitan ang kanyang diaper. Making sure that I wipe his cute little but thoroughly, nilagyan ko ito ng anti-rash cream at sinuotan ng bagong diaper at damit. "Ang pogi talaga ng pamangkin ko." Hinalik halikan ko siya sa pisngi at tyan. Isang baby laugh naman ang isinukli ni

