CHRISTINA Bago ako dumeretso sa aking condo, dumaan muna ako sa supermarket para manggrocery sa aming kakainin ni Laura at sa loob ng ilang araw na ako lang mag-isa sa condo. It's friday night kaya horror marathon ang trip naming dalawa kapag magsleepover kami. I park my car sa bakanteng parking space ng supermart at bumuba na. "Pwede ba tigilan na ninyo ako!" Napalingon ako sa kinaroroonan ng malamyos na boses. Nasa tono ng salita nito ang pagkainta at takot. May kung anong pwersa ang humahatak sa akin na tulungan siya. "Sige na, Ava. Gusto ka lang namin makahang-out." Napasalubong ang kilay ko sa sinabi ng lalake at hindi ko gusto ang kanyang pagkangisi niya. Gwapo lang binata, matangkad at talagang habulin ng lalake kung tutuosin pero bakit pa nila kinokulit ang dalaga Kasama ni

