Pangalawang Pagtatagpo

1320 Words
Zacherson's POV BAHAGYA akong pumikit. Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Buong araw kasi akong nakatutok sa mga papeles na kailangan kong basahin at aralin. "Excuse po sir," malumanay na wika ni Amanda—ang aking secretary. Napamulat ako at tumitig sa kaniya. Kitang-kita ko ang kaba sa kaniya. "May naghahanap po sa inyo," dagdag pa nito na pilit tinatago ang kaba. "Papasukin mo," malamig kong tugon. Muli akong pumikit. Narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto. "Hey, Zach!" malambing na wika ng isang babae. Kilala ko ang boses na iyon. Hindi ko ito pinansin, nanatili akong nakapikit. "Hey! I'm here! Hello!" wika ulit nito. Hindi pa rin ako nagpatinag. Nabwe-bwesit ako sa tono ng pananalita niya. Para siyang isa sa mga babaeng lumalapit sa'kin sa bar at gusto akong ikama. I hate a girl like her. Anak ng kaibigan ni Daddy na si Tito Ken si Hydee. Gusto ni Dad na pakasalan ko siya para lalong lumakas ang CL company. Katulad kasi ni Daddy ay mayaman din si Tito Ken. "Zach, wake up!" iritang sabi nito. Nanatili akong nakapikit. Ayaw kong masilayan ang mukha niya. Ano ba kasing kailangan niya? "I just want to talk to you. Tito Mark said na puntahan daw kita." Sa pagkakataong iyon nagawa ko nang imulat ang aking mata. Walang emosyong humarap ako sa kaniya. "Anong sabi ni Daddy?" malamig na tanong ko at tumitig sa kaniya. "Nothing, sabi niya kailangan mo raw ako," malambing na wika nito. Ayaw ko talaga sa kaniya at kahit pilitin ko hindi ko siya magugustuhan, baka masuka lang ako. "Hydee, get out! At pakisabi kay Dad, hindi kita kailangan!" Madiin kong sambit kasabay ng pagturo ko sa pintuan. Nanlaki ang mata ng kaharap ko ng marinig iyon. "Zach!" Padabog at galit nitong sabi. Tinitigan ako nito ng masama. "Ano pa bang kulang Zach? Bakit 'di mo ako magustuhan?" galit nitong wika na parang maiiyak na ewan. "Anong kulang? Ask yourself!" sarkastiko kong saad. "Zach, bakla ka ba?" tanong nito na may pang-uuyam sa tinig na binitawan. Tumingin ako sa kanya ng masama. "Get out or else I will call the security guard para palabasin ka dito," pananakot ko sa kaniya na tila tumalab naman. Tumitig lang ng masama si Hydee. Kitang kita sa kaniyang mukha ang pagka-asar. "Nagkamali ka ng naging desisyon, Zach," aniya at galit na nag-martsa palabas ng opisina. Ilang sandali pa lang ng umalis si Hydee ay muling narinig ko ang boses ni Amanda. "Sir, Excuse po ulit. May naghahanap po sa inyo para ibigay ang ilang papeles galing kay Ma'am Megan." Sumenyas na lang ako na papasukin kung sino man iyon. Lumabas si Amanda. Ilang segundo pa lamang bago ito lumabas ay niluwa naman ng pinto ang isang babae. "H-hello po Sir," bati nito na halatang kinalabahan. Bakit ba halos lahat na lang ng mga taong nakakaharap ko ay natatakot sa akin? Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa na ramdam kong lalong nagpakaba sa babaeng nasa harap ko. "P-pinabibigay po ni Ma'am Megan. Ito raw po 'yong Report Paper ng Research Department." Bahagyang nakayukong iniabot nito ang hawak na mga papeles. Pilit kong hinuhuli ang tingin nito ngunit sadyang ayaw nitong mahuli ko iyon. "S-sir, ito na po." Bahagya pa nitong nilapit ang mga papeles. Lalo pa itong yumuko. Hindi ko alam pero pumasok sa isip ko na lalo ko pang pa-nerbyusin ang babaeng nasa harap ko. Hindi ko alam pero gusto kong maglaro muna ngayon. Para na rin magkaroon ng dahilan ang pagkatakot nila. Sumandal ako at tiningnan siya habang nakayuko. May mahaba ngunit tuwid na buhok ang babae. Hindi ko pa rin inaabot ang ibinibigay nito. "You're from research department right?" Ramdam ko ang tensyon sa kaniya ng marinig ang boses ko. "O-opo S-sir!" utal na sagot nito. Lihim akong napangiti dahil tila nagtatagumpay ako sa nais ko. "Anong pangalan mo?" "J-jamie Regardon po Sir!" Nakayuko pa rin ito habang nakalahad ang dalawang kamay na may hawak na folder. "Jamie Regardon," ulit ko sa pangalan niya. Sigurado ako na kung nakatingin ito sa akin ay namumula na ang pisngi nito. Tumayo ako at kinuha ang papeles na hawak nito. Bahagya pang nagdaiti ang mga kamay namin. Ramdam ko ang panlalamig niyon. "Makakaalis ka na." Nawalan na ako ng ganang makipaglaro. Hindi ko rin naman type ang babaeng 'to. Iniangat nito ang kaniyang ulo at agad ko siyang nginitian. Nahuli ko ang tingin niya na agad din niyang iniiwas sa akin. Nakita kong namumula ang pisngi nito. "Salamat po Sir," magalang ngunit may kabang saad nito. Dali-dali itong lumabas ng pinto. Bumalik ako sa table at binuklat ang mga papeles na ibinigay ng babae. Jamie's POV NAMUMUTLA akong lumabas ng opisina ni Sir Zacherson. Hindi tuloy maipinta ang mukha ko dahil sa inis. Ano ba kasing problema ng lalaki 'yon? Bakit niya ako tinitigan ng ganoon. Ramdam ko pa rin ang pamumula ng pisngi ko. Kinulong ko ang pisngi ko sa dalawa kong palad upang mabawasan ang pamumula niyon. Inayos ko muna ang aking sarili bago bumalik sa opisina. "Jamie, anong nangyari?" tanong ni Maggie na parang sabik sa kung anong nangyari sa pagpunta ko sa opisina ng Zacherson na 'yon. "Wala!" tipid kong sagot na hindi man lang tumitingin sa kanya. Baka kasi mahalata nito ang bahagyang pamumula ng pisngi ko. Ngunit pilit nilang sinilip ang mukha ko. "Iyang mukhang 'yan walang nangyari?" sabat naman ni Chester. "E, namumula ka nga o," segunda naman ni Maggie na nakaturo pa sa pisngi ko. "Wala ngang nangyari e!" Medyo napataas ang boses ko ng sabihin iyon. Bakit ba kasi ang uusisa ng mga ito. "Bakit galit ka?" taas ang kilay na tanong ni Maggie. "Hindi ako galit. Tigilan n'yo na nga ako!" nakasimangot kong sagot. "Jam, bakit ganiyan ang reaksiyon mo kung walang nangyari?" Pangungulit pa rin ni Chester na nakatingin sa akin. Hindi ako naka-imik sa tanong niya. Bakit nga ba ang over acting ng reaksiyon ko? "Wala. Ang kulit n'yo e!" Inismiran ko silang dalawa. Ayaw ko ng pag-usapan ang nangyari sa silid ng malanding Zacherson na 'yon. Nahihiya lang ako. "Tigilan n'yo na nga ako, bumalik na kayo sa trabaho n'yo," dagdag ko pa dahil sa mga titig nila na malaman. Bumalik na silang dalawa sa kanilang mga table, habang ako parang lutang pa rin dahil sa nangyari. "Bye, Jamie," paalam ni Joy, isa sa mga katrabaho ko. "Bye," balik ko sa kaniya. Ako at si Ma'am Megan na lang ang natitira dito. Pinag-over-time kasi ako ng bruhang iyon. Ayaw ko na talagang ma-late! Sinubsob ko ang ulo ko sa lamesa. Ang dami ko pa kasing dapat i-reseach. Anong oras pa kaya ako makakalabas? Masyado ng gabi. Sumimangot ako at kumamot sa ulo. Nagsimula na ulit akong mag-research habang nakasimangot. Katahimikan ang namayani sa lugar. Bahagya akong nagpahinga. Iniikot-ikot ko ang aking balikat at uminat. Nangangalay na kasi ang katawan ko at pagod na rin. "Umuwi kana," malamig na boses ang aking narinig mula sa likuran na nagdala ng kakaibang pakiramdam sa akin. "M-ma'am M-megan ikaw ba 'yan?" takot kong wika habang nakatalikod sa nagsalita. Malay ko ba kung si Ma'am Megan 'yon. Ang lamig ng boses e! May mga kwento pa naman na may multo raw sa opisinang ito. Naramdaman ko na lang ang pagtayo ng mga balahibo ko at napangiwi na rin ako. "Ma'am huwag mo naman akong takutin ng ganiyan," wika ko na hindi pa rin lumilingon. "Anong pinagsasasabi mo Jamie? Ako 'to. Ayaw mong umuwi? Bahala ka iiwanan na kita diyan." Dahan-dahan akong lumingon. Tumambad sa akin ang bulto ni Ma'am Megan. Nakasuot ito ng black na long-sleeve at black na palda. Alangan akong ngumiti sa kaniya. "Ikaw po pala 'yan Ma'am Megan? Akala ko po kasi multo." "Multo?" Natawa pa ito ng bahagya. "Ano pang hinihintay mo tara na," segunda pa niya. Dali-dali akong nagligpit ng mga gamit ko at sumabay na kay ma'am Megan. Aba, ayaw kong maiwan dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD