Jamie's POV "ASAN na ang dyip," asar kong bulong. Kanina pa akong nag-aabang dito e. Pasado alas-siyete na rin nang gabi. Kailan pa ba darating ang dyip na 'yan? Nakakainis naman oh! Napatingin ako sa kotseng huminto sa harap ko. Magara iyon at halatang mamahalin. Bumukas ang bintana nito at tumambad sa akin si Sir Zach. Bagya akong nagulat sa pagdating niya. Ano namang ginagawa niya dito? "Hatid na kita," prisinta nito na nagpangiti sa akin. Tatanggi pa ba ako? Gusto ko ng makauwi e, masyado ng gabi. Napabuntong-hininga ako dahil sa relief na naramdaman ko. Pasalamat ako at nag-prisinta 'tong si Sir "Bakit? Ayaw mo?" tanong nito. Nagbuntong hininga lang ayaw na? Tsk! Wala na akong pagpipilian kaya hindi na ako tatanggi pa. "Hindi Sir, sasakay na nga po ako oh!" agad kong sabi at

