001

1641 Words
Kabanata 1 C A L L Y Nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip nang umingay sa buong room na para bang nagpuprotesta ang mga kaklase ko sa isang bagay na hindi ko naman alam. Putek mukhang sa kakaisip ko sa lintek na lalaking 'yan hindi ko na alam kung anong pinag-uusapan nila. Kumunot ang nuo ko sa biglang pag-iingay ng mga kaklase ko. Kinalabit ko si Kara na ngayon ay nakikisali na din sa ingay. Parang iritado itong humarap sa akin. "What the hell is going on?" tanong ko kay Kara na ngayon ay walang dudang iritado din gaya ng mga kaklase ko. "Ano ba yan Cally! Hindi ka ba nakikinig? Aayusin ni Ma'am ang seating arrangement. Bwisit! Ginawa pa tayong bata," gigil na sabi ng loka. "Bwisit baka makatabi ko pa 'yung panget na Alvarez na 'yun! Malas talaga!" Napairap na lang ako. Hindi ko alam kung bakit ba ang hilig ng mga professor na ito na pakealaman ang pesteng upuan namin. Hindi naman na kami mga bata para sa bagay na 'yun. Ewan ko ba! Parang ewan lang kasi. Wala namang sense. Hindi na ako nakisali pa sa mga tila nagwewelgang mga kaklase ko at hinayaan na lamang sila. Kahit sino namang makatabi ko wala naman akong pake. Bahala sila magkagulo-gulo dyan. Para silang mga ewan. Para namang may magagawa pa sila di ba? Sinimulan na ni Ms. Milagros ang pag-aayos ng upuan. Bwisit na bwisit ang bestfriend ko dahil tama nga siya ng hula at silang dalawa ni Alvarez ang magkatabi. Nginisian ko pa siya upang asarin pero inirapan lamang ako ng gaga. Mukhang badtrip nga talaga. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa aking dibdib habang hinihintay na tawagin ang pangalan ko. Kung sino man ang makakatabi ko ay siya na din ang magiging partner ko sa lahat ng activity na ipapagawa ni Ma'am. Okay lang naman sa akin kahit sino wag lang sana lalaki. Nakakabwisit kasi talaga yang mga lalaking 'yan. Puro pagpapagwapo lang alam. Baka mamaya wala naman palang maiambag sa activities. Baka mabugbog ko lang kaya wag sana lalaki. "San Diego and Santiago," ani Ms. Milagros. Nakita kong natawa ang bestfriend kong si Kara nang tawagin ang apelyido namin ni Hades. Fvck! Parang gusto ko na agad magwalk-out ngayon din at magpadrop na lang kung ang bwisit na iyon lang naman ang makakatabi ko kaya lang ay nanghihinayang ako sa tuition fee na binayaran ko makapasok lang sa klaseng ito. Kung minamalas ka nga naman oh. Pesteng seating arrangement kasi 'yan! Parang ewan lang. Naupo na si Hades sa upuang para sa kanya habang ako nanatili lang sa kinatatayuan ko. Kinailangan pa akong tawagin ni ma'am ulit para lang mapa-upo ako sa silyang katabi ng kay Hades. "Ms. San Diego, what are you waiting for?" Padabog akong naupo sa tabi ni Santiago. Nakuha ko pa itong ngisian kahit na bwisit na bwisit na ako ngayon. Sa lahat ba naman ng makakatabi ko ito pang bwisit na lalaking 'to. Kung minamalas ka nga naman talaga oh. Napa-irap ako sa kawalan habang ipinagpapatuloy ni ma'am ang pagtawag ng pangalan ng mga kaklase ko. Ipinatong ko ang bag ko sa desk na sa gulat ko ay bigla na lamang inalis ni Santiago. Sa halip ay inilagay niya ito sa sahig. Lalong nag-alab ang galit ko sa bwisit na lalaking ito. Sinamaan ko siya ng tingin bago nag salita. "What the hell are you doing?" Tamad ako nitong binalingan bago sumagot. "What? Desk yan hindi patungan ng bag." "I know I'm not stupid. Ang tinatanong ko ay kung ano ang pake mo?" pikon kong anas. "Ayokong may pakakalat kalat sa desk ko," aniya pa din sa tonong parang tamad na tamad. The hell with this guy! Nakakabwisit talaga kahit kailan. "That's my desk too. At 'wag ka ngang umarte na para bang sayo lang 'yan. Ang arte mo naman para sa isang lalaki. Bading ka ba?" inis na sabi ko pero hindi na ako pinansin ng loko. Ibinaling na lamang niya sa ibang direksiyon ang tingin niya at hindi na sumagot pa. Psh! Pa-cool kid. Napairap ako sa kawalan. Ngayon pa lang ay parang gusto ko ng ibagsak ang subject na ito. Hindi ko kayang tagalan ang bwisit na ito. "Pst pst!" Nilingon ko ang kaibigan kong naka simangot din tulad ko at hindi rin nagustuhan ang nakatabi niya. Katabi niya kasi iyong pinaka-iinisan niyang lalaki. "What?" pabulong na sabi ko kahit na alam ko namang hindi niya iyon maririnig. Well at least mababasa naman niya panigurado ang sinasabi ng labi ko. Sumenyas siya na para bang ipinaparating sa aking magpalit kami ng upuan. Inirapan ko lang siya. Para namang pwede iyong gusto niyang mangyari. Kung pwede man ayoko ding katabi ang malanding Alvarez na yan. H A D E S "Are you fvcking kidding me bro? You really like that b-tch?" Coco said, smirking like a fvcking jerk. I glared at him. I don't want him to call her that. Kanina pa kami nag-iinuman ni Coco dito sa living area ng condominium ko. Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag na makipag-inuman sa kanya. I know Coco, hindi siya iyong taong gugustuhin mong makasama sa inuman. Mas malakas pa siyang uminom kaysa sa akin at hindi ka talaga niya paaalisin hanggat hindi ka nawawalan ng malay sa kalasingan. Ganun katindi maglasing ang gagong ito kaya hanggat maaari ay tinatanggihan ko ang mga pag-aaya niyang uminom pero hindi ko alam kung bakit ngayon ay napapayag niya akong uminom kasama siya. Oh damn it! Nasabi ko pa tuloy sa kanya ang sikreto kong ayoko naman talagang ipaalam kahit kanino. I told him that I like Calliope. Yes, Calliope the man hater. I like her. Hell! I'm so fvcking attracted to her. Sino bang hindi? She's a goddess for goodness sake! No man could resist her charm. Hindi maging ako. She's just so damn attractive. I can't get her out of my freakin' head. Napakagago lang. Sa dinamirami ng babae sa campus sa kanya pa talaga. Sa babaeng imposible pa talaga ako mahuhulog. "Kuya naman! Magkakagusto ka na nga lang duon pa sa may sayad. Kita mong may galit iyon sa lahi nating mga lalaki." Mas lalong tumalim ang tingin ko kay Coco sa sinabi niyang iyon. "Sayad? What the fvck are you saying Coco? Walang sayad si Cally!" inis na sabi ko bago sumimsim sa lata ng alak na nasa harapan ko. "Ang sinasabi ko lang Kuya, hindi ka pwedeng magkagusto sa babaeng 'yun! She's a man fvcking hater. Galit siya sa lahi natin. Wala kang mapapala sa babaeng iyon. For sure matutulad ka lang doon sa mga istupidong lalaking binitin niya sa kama. I know you don't want that brother. Gusto mo bang umuwing bitin na bitin habang ang babaeng iyon naman ay tuwang-tuwa dahil gumana ang laro niya sa isang Hades Santiago? She's a b-tch bro." Mas lalong nanlisik ang tingin ko sa kapatid ko. "What? You don't want me to call her b-tch?" he smirks. This fvcktard! Kung hindi ko lang siya kapatid baka kanina pa siya humandusay dyan sa sahig. "I'm warning you Micco, don't ever call her that! You don't know her. She's not like that!" I said with a warning tone. Ngunit mas lalo lamang lumawak ang ngisi ng gago na para bang nang-aasar pa. "Oh that's cute! Acting like a Prince mother fvcking charming huh? But don't you think you're too late for that, brother? Halos lahat na yata sa campus iyon ang tawag sa kanya. Oh, damn right! Bakit nakalimutan ko iyon? Lagi nga palang sa huli dumadating ang mga prince charming," aniya sabay halakhak na para bang wala ng bukas. "Didn't know you were into fairy tales, Micco. Damn! That's just so gay, bro," seryosong sinabi ko kaya naman nawala ang ngisi sa mga labi ng bwisit na kapatid ko. Sinamaan ako nito ng tingin ngunit agad ding nag laho ang masamang tingin na 'yun nang may maisip siyang kung ano. "You're right! Gay! Bakit hindi ka magpanggap na bakla para mapansin ka niyang prinsesa mo?" "Are you stupid? Why would I do that?" "Because you like her?" No fcking way! "No Coco. I will never do that. I'm not stupid. Hell no!" naiiritang sabi ko bago muling umisang lagok sa aking inumin. "Ako kuya tinutulungan lang kitang dumiskarte ah. Nasa sa'yo na yan kung planong mong magpaka-stalker habang buhay," nangingising sabi ng gago. Tinitigan ko siya ng matalim pero hindi natinag ang loko sa pagngisi. "I'm not a stalker. Sinabi ko lang na gusto ko siya pero wala akong balak na makuha siya. So stop with your stupid idea Coco. Hinding-hindi ko gagawin yan." "Really brother? So hahayaan mo na lang makipaghalikan kung kanikanino ang babaeng nagugustuhan mo?" Hindi ko alam kung saan nagmana ng pagiging pakialamero itong kapatid ko at bakit sobrang pakialamero niya, gayong hindi naman ako nakikialam sa buhay niya. "Will you just shut up Coco? You're so intrusive! Mind your own fcking business you ass!" "My business is to annoy you, brother. I thought you already know that." Ngumisi pa lalo ang mokong. Kung hindi ko lang talaga kapatid to baka kanina ko pa 'to pinatulan. Kahit kailan talaga ay wala ng ginawang tama ang gagong ito kundi ang inisin ako. Hindi ko alam kung ano bang nakukuha niya sa pang-iinis niya at trip na trip niyang sinisira ang araw ko. Siguro abnormal lang talaga itong mokong na 'to kaya ganito. Hinayaan ko na lang siya at ipinagpatuloy na lamang ang pagsimsim sa alak na hawak hawak ko. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip nitong kapatid ko at naisip niya talaga ang walang kwentang ideya na iyon. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko ang bagay na iyon. Bakit ko naman gagawin ang bagay na iyon para lang sa isang babae? Hindi pa ako nasisiraan ng ulo. Hindi. Umiling iling ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD