Kabanata 17 C A L L Y Mabilis na lumipas ang mga araw. Nakasanayan na namin ni Hades ang sabay na pumasok sa umaga tapos kapag gabi naman ay sinusundo niya ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Noong una nagpupunta lang siya doon bilang customer pero kinalaunan napansin kong sinasadya niya talagang magpunta doon ng ganung oras para maabutan niya ang out ko. Minsan naman maaga siyang nagpupunta at doon na lang tumatambay habang nagbabasa. Nasanay na rin naman ako na ganun siya sa akin. Minsan gusto ko nang pagdudahan ang mga ginagawa niya pero sa huli na-guilty lang ako na nakukuha ko pa talagang pagdudahan siya sa dami ng naitulong niya sa akin. Mabait lang siguro talaga siya at siguro nga tinuturing niya na rin talaga akong tunay na kaibigan kaya ganito. Iniisip ko lang kung pin

