15

928 Words
Carlos POV "Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko kay Elena dahil kanina pa ito nakatingin lang sa akin sa isang sulok. "Ha?" Wala sa sarili nitong tanong. "May problema ba?" Tanong ko. "Wala…" sagot niya, tsaka itinago ang kamay nito sa likod niya na parang may tinatago. "Ano yan?" Tanong ko. "Ang alin?" Tanong naman niya. "May tinatago ka ba sa likod mo?" Tanong ko. Natigilan siya saglit. "Wala ah," maikli niyang sagot. Napailing na lang ako, tsaka ibinalik ang tingin sa laptop. "Black Moon Organization," search ko. Kaagad namang lumabas ang iilang article patungkol doon. Grabe pala itong organization na ito. May mga pasugalan sila sa Pilipinas na halos hindi mapasarado ng gobyerno. May mga bars din sila at hotels. Mayayaman nga sigurong nasa likod ng organisasyong ito. Nag-scroll pa ako pababa hanggang may makitang article tungkol sa mayamang pamilya. "Madrigal," basa ko. Pipindutin ko na sana ang link nang bigla itong mag-glitch. Biglang namatay ang laptop ko. "Ay tang*na naman! Ngayon pa nasira!" inis kong ani. Pinindot ko pa ito pero ayaw talagang gumana. Napasabunot na lang ako sa sarili sa inis. Second-hand lang kasi itong laptop at kakabili ko lang noong unang sweldo ko. Medyo luma na rin kaya minsan namamatay bigla. Tapos aabutin pa ng ilang oras bago ito muling mag-on. Kaagad ko namang tinawagan si Jam. "Oh?" Sagot niya sa kabilang linya. "Pahiram naman ako ng extra laptop mo. Nasira na naman itong laptop ko," sabi ko. "Puntahan mo na lang dito sa bahay. Alam mo namang busy tayo ngayon," sabi niya. "Sige," pinatay ko na ang tawag, saka nagbihis at umalis. "Sasama ka ba?" Tanong ko kay Elena nang mapansin kong nakaupo na siya sa sofa. "Saan?" Maikli niyang tanong. "Kung ayaw mo, dito ka na lang…" "Sasama ako!" Mabilis siyang tumayo at nauna pa sa akin palabas ng pintuan. Itong babaeng ito, pabago-bago ang mood. Sumakay na kami sa motor ko at binagtas ang daan papunta sa bahay ni Jam. Subdivision kasi ang tinitirhan nila kaya medyo malayo at maraming pasikot-sikot. Nang makarating kami, kaagad akong nag-doorbell. Nang bumukas ang gate, nagulat ako nang ang Lola ni Jam ang bumungad sa amin. "Lola Rese?" Masaya kong ani. "Ikaw pala, Carlos. Halika, pumasok kayo," sabi niya. Nagtaka ako sa sinabi niya pero binalewala ko na lang. "Kailan pa po kayo andito?" Tanong ko. "Naku, kahapon lang, apo. Binisita ko lang itong kaibigan mo," nakangiti niyang sagot. "Akyatin mo na lang si Jam sa taas at ipagtitimpla ko kayo ng kape," sabi niya. "Lola… ako lang po mag-isa," sabi ko. Kumunot noo naman siya. "Eh sino naman yung kasama mong magandang babae kanina? Teka, saan na nga ba iyon?" sabi niya saka sinilip ang likuran ko. Nagulat ako sa sinabi niya. "Nakikita ninyo po si Elena?" Wala sa sarili kong tanong. "Ano bang sinasabi mo, apo? Malamang nakikita ko siya kasi may mata ako. Tsaka eto naman, hindi pa naman malabo ang mata ko," tawa niya pa. "Pero… Lola, si Elena po ay—" "Santiago! Ano pang ginagawa mo dyan? Akala ko hihiramin mo yung laptop ko?" Biglang singit ni Jam sa usapan. Nakasilip siya sa hagdanan at naka-boxer lang. "Oh siya! Pumunta ka na doon," utos ni Lola Rese saka tinalikuran ako. Hindi pa rin ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. "Hoy! Santiago! Ano na?" Biglang sigaw ni Jam. Tsaka lang ako bumalik sa realidad. --- Ilang sandali lang at lumabas na kami ng bahay nila at sinamahan ako ni Jam sa labas ng gate. "Mayor! Good afternoon!" Napatingin ako sa likuran ko nang may humintong sasakyan sa tapat ng katabing bahay nina Jam. May lumabas na lalaking matipuno ang katawan at halatang mayayaman dahil sa suot nito. Napatingin ito sa amin nang kumaway si Jam sa kanya. Hinubad niya ang kanyang salamin at nakakunot na napatingin sa akin. "Sino yan?" bulong ko kay Jam. "Ah, yan yung Vice-Mayor namin dito pero siya na ang pumalit sa mayor na namatay. Si Mr. Chua. Noong isang araw lang siya lumipat ng bahay. Mabait yan," sagot niya. "Mayor. Kamusta po?" bati ni Jam nang makalapit ito sa amin. Pero nasa akin ang atensyon ng mayor. "Did we meet before?" tanong nito. Nataka naman ako. "Pasensya na po. Pero sa tingin ko ito ang una nating pagkikita, mayor," sagot ko na lang. Sandali itong natigilan at kalaunan ay ngumiti. "Ah, mayor. Ito pala si SPO1 Carlos Santiago. Kaibigan ko at katrabaho na rin," pagpapakilala sa akin ni Jam. Tumango-tango naman si Mayor. "Nice to meet you, mayor," paglalahad ko pa ng kamay. Tinanggap naman nito kaagad. "Mr. Chua na lang. And I'm really sorry I mistook you for someone else," sabi nito. "Ok lang, Mr. Chua," sagot ko naman. Nakatitig lang ito sa akin na parang sinusuri ang buong mukha ko. "But you really look like him," sabi nito. "How strange. Would you mind if I ask you?" Tanong niya. Napatingin naman ako kay Jam at tumango ito. "Ano 'yon?" "May kambal ka ba?" tanong niya na nagpatigil sa akin. Napakunot noo naman ako. "And that ring…" Bumaba ang tingin niya sa kamay ko. "Where did you get those?" Tanong niya. Bumaba rin ang tingin ko sa sing-sing at nagtaka kung bakit kilala niya ito. "May alam ba—" pinutol niya ang dapat kong sasabihin. "No. Baka nagkamali lang ako. Sige na, mauna na ako," nakangiti nitong ani. "Sana ay magkita tayong muli, Mr. Chua," sabi ko na lang. "Nice to meet you," dugtong ko pa. Ngumiti naman ito pabalik sa akin. "Yeah. We will meet again, SPO1 Santiago," makahulugan nitong sagot saka tumalikod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD