"Mommy, bakit wala kang sinabi sa aking meron kaming anak ni Samantha? Anong plano mo habang buhay ninyong itatago sa akin ang katotohanan? Tandaan mong meron akong karapatan sa bata dahil ako ang ama!" "Darren baliw ka na ba? Sigurado ka bang anak mo ang batang iyon? Buntis ang asawa mo, huwag mo nang angkinin ang batang iyon, dahil sigurado akong gawa-gawa lang nila ang DNA." "Mommy, bakit ba ayaw mong tanggapin ang bata, anak mo ako, kaya dugo mo rin ang dumadaloy sa ugat niya. Ibaba mo na ang pride mo, at tanggapin na nating anak ko ang bata! Nagagalit ka ba dahil anak ni Samantha ang bata? Wala ka nang magagawa mommy kahit bali-baliktarin man natin ang mundo, ako pa rin ang ama ng bata!" galit na sigaw ko kay mommy, hindi ako papayag na hindi ko makita ang anak ko." "Bakit ba

