"Anong ibig mong sabihin Sam? Na hindi mo kasama ang anak mo?" naluluhang tanong ni Mommy sa akin. "Opo Mommy, nangungulila na ako sa anak ko. At sa inyo ni daddy. Napakawalang hiya nilang lahat, dahil sa galit nila sa akin ay dinamay nila ang anak ko. Mommy pinatay nila ako at inilibing nila sa gubat." "Anak, totoo ba iyan? Paano nila nagagawa iyon sa 'yo? Hayop na Monic humanda sila sa akin babawiin natin ang anak mo at ipakulong natin sila!" galit na turan ni Mommy sa akin. Hinawakan ni Daddy ang aking balikat at tinapik niya ang aking likod. Saka na rin ako humagulgol ng iyak. "Mommy si Lucas nga po pala, siya ang tumulong sa akin, dahil sa kaniya ay buhay pa rin ako hanggang ngayon." "Magandang araw po sa inyo Ma'am, Sir." magalang na pagbati ni Lucas. "Lucas, maraming salama

