"Amanda, bakit hindi na lang natin sabihin kay Darren na ako ang totoo niyang ama. Alam kong matutuwa siya kapag malaman niya ang totoo. Para madali na lang nating maipakulong ang dalawa." "Hindi ka na naman nag-iisip Samuel. Paano siya matuwa? Kapag malaman niyang anak mo siya ay abot hanggang langit ang galit niya sa akin! At siguradong sabihin pa sa akin na galit na galit ako sa kabit ng daddy niya, pero siya anak ko sa ibang lalaki." "Amanda, anong plano mo? Kung ako sa 'yo ay patayin mo na lang. At tayo na ang bahala sa mga ari-arian niya." "Sigurado ka bang patay na ang asawa mo Samuel? Baka barilin na naman ako kapag malaman niyang nandito ka sa mansion." "Amanda, meron siyang brain tumor at iyon ang ikinamatay niya. Malaya na ako Amanda, puwede na nating ituloy ang plano n

