NAPAKAHIRAP magpanggap na babae at asawa ni Yevhen. Sa lahat na lang ba naman ng oras ay kailangang nakayakap siya sa akin o 'di kaya naman ay nakaakbay. “Bitiwan mo na nga ako. Gabi na, wala nang makakakita sa atin,” naiinis kong komento bago ko mabilis na tinanggal ang braso niyang nakalingkis sa aking baywang. Naglalakad na kami pabalik sa hotel dahil kagagaling lang namin sa bahay ng isang magsasaka upang magtanong-tanong tungkol kay Lucas Rivera. Doon na nga kami naghapunan, ngunit wala pa rin kaming napala. Pang-apat na araw na namin dito, pero hindi pa rin namin alam kung nasaan at sino ang hinahanap namin. “I give up.” Bigla siyang tumigil siya sa paglalakad kasunod ng pag-iwas niya ng tingin sa akin. “Let's just both leave the company. We can also talk to Ate Zemira. You're

