HINDI naging maganda ang huli naming pag-uusap ni Yevhen. Naramdaman naman iyon ng aking mga kaibigan kaya pag-uwi namin sa condo ay tinanong nila ako kung ano'ng nangyari. Ngunit itinikom ko lang ang aking bibig. Putragis! Ano naman kasing sasabihin ko? Na nagalit ang boss ko dahil akala niya ay may nangyari sa amin ni Elle? Tapos noong nalaman ang totoo ay bigla na lang nag-aya sa loob ng fitting room ng isang clothing brand para lang tingnan ang kimchi ko? Puta. Napakahalay. Hindi ko nga pinagbigyan. “Tandaan mo ang sinabi ko, pare. Para malaman mo kung babae ka na o hindi pa rin, halik lang ang solusyon diyan.” Paulit-ulit na nag-play sa aking isip ang panghuling sinabi ni Blade bago sila tuluyang nagpaalam sa akin. Namomroblema tuloy ako nang malala. Kung halikan ko si Yevh

