"Hanggang kailan mo itatago sa akin?" Tanong sa akin ni Andro habang magkaharap kaming nakaupo sa coffee shop kung saan niya kami nakita ni Robi. "I'm sorry," nakayuko kong sagot lang sa kaniya habang hawak-hawak ko ang tiyan ko. Nang silipin ko siya ay nakatingin siya sa bandang tiyan ko. Walang emosyon ang mukha niya at hindi ko mabasa iyon. "Hanggang kailan mo ba sasabihin ang salitang sorry na iyan?" Medyo mataas na boses na tanong niya sa akin. Napahikbi naman ako, ewan ko kung bakit pero bigla na lang lumabas iyong luha na kanina ko pang pinipigilan. Naramdaman ko naman na napabuntong hininga siya mukhang kinakalma niya rin iyong sarili niya. "Kung hindi kita nakita ngayon, may plano ka ba sabihin iyan sa akin?" Tanong sa akin ni Andro. Tumingin naman ako sa kaniya habang pat

