Mahigit isang buwan na rin simula noong bumisita sa akin si Robi at ang mga bata. Nakuwento ko na rin sa kaniya iyong tungkol sa nagawa ko sa asawa't anak ni Andro. Ilang oras siyang natahimik noon tapos puro buntong hininga lang pero after noon bigla niya na lang akong niyakap. Sabi niya aksidente naman iyong nangyari at wala akong kasalanan. Yeah, aksidente nga iyon pero resposibilidad ko ang nangyari. Masaya na rin ako at walang nagbago sa friendship namin ni Robi. Iyong mga bata naman tuwang-tuwa sila nang makita ako tapos nakita kong paghanga sa mga mata nila nang makapasok sila sa bahay namin. Ang laki raw nang bahay nila. Sabi ko sa kanila na bumalik sila rito sa bahay anytime. Kapag hindi raw busy ay babalik sila. But I think, busy si Robi kasi hindi na sila bumalik dito, nakakau

