Sobrang sakit nang ulo ko nang magising ako. Iniisip ko kung ano ba ang nangyari sa akin kagabi pero wala akong maalala. Ang huling naalala ko lang ay pumunta kami kila Sandra. Tapos wala na akong naalala pa.
Nakahawak ako sa ulo habang papalabas ako ng kwarto. Sakto paglabas ko ay natagpuan ko si Andro na nasa kasina, mukhang naghahanda siya ng lutuin niya. Napangiti naman ako kasi ang hot ng likod niya, tapos naka-sando na kulay white lang siya at jersey short lang. Tapos nakatali iyong meyo may kahabaan niyang buhok.
"Good morning," nakangiti kong bati sa kaniya. Naramdaman ko naman na parang natigilan siya sa ginagawa niya. Tapos mayamaya ay nagpatuloy na siya.
"Ehem, good morning," sagot niya na hindi man lang lumilingon sa akin napanguso naman ako.
"Si Sir Benedict ba ang naghatid sa akin kagabi?" Tanong ko sa kaniya, muli na naman siyang natigilan sa ginagawa niya at napabuntong hininga.
"Oo," maikling sagot niya sa akin.
"Ganoon," sagot ko. Akala ko pa naman ay siya ang sumundo sa akin, nanaginip pa naman ako kagabi na siya pa ang kumarga sa akin papunta sa kama ko.
"Okay ka na ba?" Tanong niya sa akin.
"Masakit iyong ulo ko," sagot ko sa kaniya.
"Sa susunod huwag ka nang iinom ng hindi mo kaya," sabi niya sa akin habang nakatalikod pa rin siya.
Lumapit naman ako sa kaniya at tumigil ako sa may lamesa sa kusina at umupo ako roon habang nakahalumbaba at nakatingin sa likod niya.
"Lasing na lasing ba ako kagabi?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi mo ba maalala ang lahat ng ginawa mo?" Tanong niya sa akin. Umiling naman ako kahit alam ko na hindi niya ako nakikita.
"Wala na akong maalala matapos noong nag-inuman na kami, ano ba nangyari kagabi?" Tanong ko sa kaniya. Bigla naman siya napatikhim sa tanong ko.
"Wala, kung masakit ang ulo mo, maligo ka sa dagat para matanggal iyan, at malay mo maalala mo mga ginawa ko kagabi," sabi niya sa akin.
"Galit ka ba?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Hindi," mahinahon niyang sagot sa akin.
"Okay, sabi mo, e," sagot ko sa kaniya. Para kasing galit pa siya, e.
Napahawak ulit ako sa ulo ko kasi sobrang sakit talaga. Ayoko na rin uminom ganito pala iyon.
Mayamaya ay may bigla na lang na naglapag ng kape sa harap ko nang tingnan ko iyon ay si Andro iyon, seryoso ang mukha niya at senenyasan ako na inumin ko iyon. Napangiti naman ako sa kaniya.
"Thank you!" Masayang sabi ko sa kaniya. Tumango lang ulit siya at bumalik sa ginagawa niya.
Nang tikman ko ang kape ay mabilis kong nailuwa ang dila ko dahil sa lasa ng kape. Feeling ko walang asukal iyon dahil sobrang tapang.
"Bakit ganito lasa nito?" Tanong ko kay Andro.
"Ubusin mo iyan, maganda iyan," sagot niya lang sa akin.
"Ang pangit kaya ng lasa!"
"Hindi ko na kasalanan kung uminom ka," sagot niya sa akin.
"Hala," sagot ko naman habang nakanguso.
Mainit yata ulo niya ngayon kasi ang sungit-sungit niya. Ano kaya problema niya?
"Hello! Good morning people!" Bati ni Robi nang makapasok siya sa loob ng bahay ni Andro. Kasunod niya naman ang mga bata kaya naman napangiti ako.
"Good morning, Ate Petchay, Kuya Andro!" Bati noong mga bata bago sila magtakbuhan paloob.
"Ate, bakit para hindi ka nagbihis?" Tanong sa akin ni Lily, napatingin naman ako sa suot ko. Suot ko pa rin pala iyong uniform namin. Hindi na pala ako nakapagpalit ng damit ko dahil sa kalasingan ko kagabi.
"Nakalimutan ko lang kagabi," sagot ko naman sa kaniya habang nakangiti.
"Dapat nagpalit ka," sagot niya sa akin.
Napahawak naman ako ulit sa ulo ko kasi sumakit na naman iyon.
"May sakit ka ba, Ate Petchay?" Tanong sa akin ni Daisy.
"Wala, masakit lang ulo ko," sagot ko sa kaniya habang nakangiti.
"Bakit?" Tanong niya sa akin.
"May hangover ka, ano?" Tanong naman sa akin ni Robi. Napatango naman ako sa kaniya.
"Girl, naalala mo ba mga ginawa mo kagabi?" Tanong niya sa akin. Napailing naman ako sa kaniya. Bigla naman siya tumawa ng malakas.
"Kung naalala mo, baka tablan ka ng kahihiyan!" sabi niya habang tumatawa siya. Napakunot noo naman ako sa kaniya.
Anong ibig niyang sabihin?
"Ate, ano iyong hangover?" Tanong sa akin ni Rose.
"Wala iyon, huwag ninyo iisipin iyon," sagot ko naman sa kanila. Napatango naman sila. Mayamaya ay nagtakbuhan na sila palabas ng bahay at naglaro sa labas ng bahay.
"Kuya, hindi ka naman ginawan ng masama ni Petchy?" Tanong ni Robi. Natigilan naman ulit si Andro.
"Tigilan mo ako, Roberto," sagot ni Andro. Nalukot naman agad ang mukha ni Robi.
"Nakakaasar ka naman, Kuya, Robi nga kasi, Robi!" Naiinis na sabi ni Robi.
Napailing naman ako sa kaniya.
"Girl, alam ko ba kung anu-ano pinagsasabi mo kagabi, sinabihan mo pa si Sir Benedict na hindi mo siya crush," sabi sa akin ni Robi.
"Ha?" Gulat na tanong ko.
"Oo, girl, tapos sabi mo ayaw mo sa kaniya kasi iba gusto mo! Lakas mo nga, e, tinawag mo pang baby!" Tumatawang kwento sa akin ni Robi.
Halos mapanganga naman ako at napakurap-kurap bago ako dahan-dahang humarap kung nasaan si Andro, kasalukuyang nasa labas siya at nagluluto na roon, mukhang hindi niya rin narinig ang kwentuhan namin ni Robi.
"Sinabihan kong baby si Andro?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, girl!" Sagot niya sa akin. Napakurap-kurap naman ako.
"Totoo ba talaga?" Tanong ko sa kaniya. Nakangiti naman siyang tumango sa akin.
Bigla kong naalala iyong panaginip ko, naalala ko roon na tinawag ko siyang baby tapos halos ayaw ko na siyang bitawan.
Tapos! Tapos! Tapos noong nasa kwarto, hinalikan ko siya.
Totoo ba iyon?
Napahawak ako sa labi ko at napatingin kay Andro na seryosong nagluluto.
Oh no! Na-kiss ko ba talaga siya? Totoo ba iyon? Hindi iyon panaginip?
"Hoy, bakit hawak mo lips mo? Huwag mong sabihin na hinalikan mo rin si Kuya?" Gulat na tanong sa akin ni Robi.
Marahan naman akong tumingin kay Robi habang hawak ko iyong lips ko.
"Feel ko, hinalikan ko siya," mahinang sagot ko sa kaniya. Halos mapanganga naman sa akin si Robi.
"Girl! Grabe ka!" sabi niya habang tumatawa siya.
"Hindi ko alam ginagawa ko! Sh*t nakakahiya!" sabi ko.
Wala sa loob na napatakbo naman ako palabas ng bahay. Sa labas ng bahay ay nakita ko iyong mga bata na naglalaro.
"Ligo tayo, Ate?" Tanong sa akin ni Lily.
"Oo nga, Girl, para mahimasmasan ka naman!" Pang-aasar sa akin ni Robi.
"Oh my gosh, Robi, did I really kiss him?" Tanong ko sa kaniya.
"Aba, malay ko sa iyo, malay mo hindi lang pala kiss iyong ginawa mo, malay mo mas malala," sagot niya sa akin habang tumatawa siya.
Bigla naman akong napaisip, paano nga kung ganoon nga ang nangyari talaga?
Paano kung more than kiss pala talaga iyong nagawa ko.
Oh my gosh! Ano ba ang pinaggagawa ko.
Si Robi naman ay mukhang tuwang-tuwa sa itsura ko na na-stress.
Mabilis akong naligo sa banyo muna at pagkatapon noon ay hinila ko si Robi papunta sa bahay nila. Hindi ko kayang makasama si Andro ngayon. Nahihiya ako sa kaniya.
Paano kung may ibang ginawa pa talaga ako?
Buong araw ay nasa bahay lang ako nila Robi. Hindi ako kasi talaga kaya na magpakita pa kay Andro. Nahihiya talaga ako sa kaniya. Hindi ko alam ang pinaggagawa ko sa kaniya kagabi. Baka kung anu-ano rin ang mga pinagsasabi ko sa kaniya, sobrang nakakahiya na iyon.
"Girl, nahihiya ka rin pala?" Tanong sa akin ni Robi.
"Oo, at hiyang-hiya ako ngayon, oh my gosh!"
Tawa lang naman nang tawa sa akin si Robi.
Feel ko ay hindi ko talaga kayang makita ngayon si Andro, nahhihiya ako sa kaniya. Paano kung na-turn off siya sa akin sa mga pinagsasabi ko? Paano kung ma-realize na mas gusto niya sa Betty Girl? Paano kung isipin niya ay patay na patay ako sa kaniya.
Lalong sumasakit ang ulo ko sa kakaisip ko sa mga pinaggagawa ko!
"Ate, iyong petchay po mawawalan na ng dahon," sabi sa akin ni Rose. Kasalukuyan na nasa mga tanim kasi nila kami ngayon at tumulong ako sa kanila sa pagtanggal ng mga tuyong dahon sa mga tanim nila.
"Oh, sorry!" Sagot ko naman at mabilis na tinanggal ko ang kamay ko sa petchay.
"Girl! Iyong sundo mo nandito na, uwi ka na raw!" Sigaw ni Robi na nasa loob ng bahay nila.
"Ha?" Tanong ko.
"Kuya Andro!" Sigaw ni Lily nang biglang sumulpot si Andro. Ako naman ay halos mag-panic na. Halos itakip ko na ang kamay ko sa buong mukha ko.
"Hindi ka pa ba uuwi? Maggagabi na, baka may magtangka na naman sa buhay mo," sabi niya sa akin.
"Dito ako matutulog, mag-sleepover ako!" Mabilis na sagot ko. Hindi ko naman siya matingnan ng deretso sa mata.
"Okay, bukas sunduin na lang kita," sagot niya sa akin.
"Okay, goodbye, ingat sa pag-uwi!" Mabilis na sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin bago siya tumalikod ay umalis.
Nang hindi ko na siya makita ay doon ko pinakawalan ang buntong hininga ko.
Hay! Grabe ang kabog ng dibdib ko kanina. Hindi ko talaga kaya na matitigan siya.