"Sure ka ba na kaya mo na talaga ngayon pumasok?" Tanong sa akin ni Robi. Nag-work na kasi ako after two days noong sumakit iyong ulo ko. Noong araw na iyon ay alalang-alala si Andro raw sa akin, mabuti na lang at may doktor noon na naka-duty sa isla kaya nadala raw agad ako roon ni Andro para maagapan. Noong araw na iyon wala naman ibang alaala akong naalala, ang naalala ko lang ay iyong mukha noong babae sa panaginip ko. Hindi ko alam kung sino iyon. Bakit ko siya nakikita sa alaala ko? Isa ba siya na kilala ko? Or isa siya na parte nang buhay ko. Gusto ko sana bumalik na ang alaala ko para malaman ko ang lahat ng katanungan ko, dahil ngayon nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Naguguluhan na rin ako, gusto ko na pilitin ang sarili ko na makaalala pero every time na nagta-try ako ay su

