Humihingal akong nagising, madili na sa loob nang kuwarto ko. Isang panaginip na naman. Napahawak ako sa ulo ko sa tiyan ko. Napanaginipan ko na naman siya. Si Lara, ang asawa ni Andro. Ngayon lang ulit ako nanaginip about her. I don't why. "Hey, baby, are you okay?" Mahina kong pagka-usap sa tiyan ko. "Hold on, okay?" Bumangon ako at uminom nang tubig tapos binuksan ko iyong veranda ko. Tahimik na sa labas at wala masyadong tao, ang tanging mga gising lang ay iyong mga bodyguards na nakakalat sa bahay. Napakunot ang noo ko nang may makita akong isang tao na mukhang nakatingin sa akin, nang makita ko ito ay bigla itong tumago. Bigla naman akong kinabahan at mabilis akong pumasok sa loob at ni-lock ang sliding door sa may veranda ko. Bumalik ako sa kama ko at humiga ulit ako ro

